Limitasyon ng paggamit sa isinanlang bagay
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | February 28, 2022
Dear Chief Acosta,
Isinangla ko ang aking cellphone sa aking kakilala. Ngayon, nag-aalala ako na baka gamitin niya ito. Nais kong malaman kung maaari bang gamitin ng pinagsanlaan ko ang aking cellphone habang nasa kania ito? – Gabbie
Dear Gabbie,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Article 2104 ng New Civil Code of the Philippines. Nabanggit dito na:
“Article 2104. The creditor cannot use the thing pledged, without the authority of the owner, and if he should do so, or should misuse the thing in any other way, the owner may ask that it be judicially or extrajudicially deposited. When the preservation of the thing pledged requires its use, it must be used by the creditor but only for that purpose. (1870a)”
(Binigyang-diin)
Sang-ayon sa nabanggit na batas, hindi maaaring gamitin ng taong pinagsanlaan ninyo ang inyong cellphone, maliban na lamang kung pinahintulutan ninyo ang paggamit nito o kinakailangan ito upang manatili o gumana. Kapag ginamit ito nang walang pahintulot, maaari ninyong ideposito ang inyong isinanla judicially o extrajudicially.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments