Limit sa pagbabayad ng barya
- BULGAR
- Aug 10, 2023
- 1 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 10, 2023
Dear Chief Acosta,
May limit ba ang halaga na maaaring ipambayad ang barya? - Del
Dear Del,
Para sa iyong kaalaman, itinaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang halaga ng mga baryang puwedeng gamiting pambayad sa isang transaksyon (o legal tender limit) ayon sa BSP Circular No. 1162, 1 December 2022, Series of 2022, na nagsasaad ng mga sumusunod:
“Pursuant to Section 52 of Republic Act (“R.A.”) No. 7653 (otherwise known as, “The New Central Bank Act”), as amended by R.A. No. 11211, the legal tender limit for coins is set, as follows.

The legal tender limit for single transaction of coins does not preclude transactions above the stated coin limit so long as both parties have prior and mutual agreement.”
Lahat ng denominasyon ng mga barya ng Pilipinas ay legal tender – ibig sabihin, maaaring magamit ang mga ito pambayad sa anumang obligasyon o transaksyon.
Gayunpaman, ang BSP ay nagtatakda ng limitasyon sa bilang o halaga ng barya na maaaring gamitin sa bawat transaksyon.
Alinsunod sa nabanggit na Circular, maaari kang magbayad hanggang Php2,000.00 kada transaksyon gamit ang mga baryang 1-, 5-, 10- at 20-piso, at hanggang Php200.00 naman kada transaksyon gamit ang mga baryang 1-, 5-, 10- at 25-sentimo. Kung lalampas sa mga nasabing halaga ang kailangang bayaran, hindi na maaari pang pilitin ang kabilang partido na tanggapin ang bayad gamit ang mga nasabing denominasyon ng barya.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.








Comments