Limang tigasin, sasalang sa PHILRACOM 3-YO Race
- BULGAR
- Sep 29, 2023
- 2 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 29, 2023
Mag-uunahan sa finish line ang limang tigasing batang kabayo sa pagsalang nila sa 2023 PHILRACOM 3-Year-Old & Above Maiden race na ilalarga ngayong araw sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.
Makikilatis ang husay ni Streisand na posibleng pagtuunan ng pansin ng mga dehadista laban sa inaasahang papatok sa takilya na sina Flywheel at Heavy Welght.
Rerendahan ni jockey JoL Siego si Streisand, maliban kina Flywheel at Heavy Weight ang mga kasali ay sina Hellguy at Ang Bigote sa distansiyang 1,400 meter race.
Komento ng mga karerista, pahirapan sa pagpili ng tatayaan kahit limang kabayo lamang ang tatakbo ito'y dahil mahuhusay ang mga kasali.
Paglalabanan ang P20,000 added prize sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon, inaasahang magandang laban ang masisilayan ng mga karerista.
Pakakawalan ang nasabing karera sa unang race kung saan magsisimula rin doon ang winner take all (WTA) na isa sa paboritong tayaan ng mga karerista.
Pitong karera ang inihanda ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes.
Maliban sa nabanggit na karera, inaasahang aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ng 10 kabayo sa huling race.
Paniguradong suportado ng mga liyamadista ang kalahok na si Sun Dance sa distansiyang 1,400 meter race.
Gagabayan ni class A rider John Alvin Guce, makakalaban ni Sun dance sina Melania, Mythic Layla, Antonio Delamugis, Lightning Lass, Rancheros, Blazing Bullet, El Mundo, Oradas Gray at Dugong Bughaw.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Streisand (3), Flywheel (4)
Race 2 - Happy Julliane (1), Sexy Love (5)
Race 3 - Hook The Hustler (5), Chef Kat (9), Che Che 91), Christiano (8)
Race 4 - Speak Easy (4), Black Magic Woman (3)
Race 5 - Rockaway (5), Fortress (9), Plus (2), Del Monte (1)
Race 6 - Buwayang Bato (4), Munich (1), Arimunding Munding (5), Maximum Speed (2)
Race 7 - Sun Dance (1), Melania (2), Mythic Layla (3), Blazing Bullet (7)





Comments