Limang pasaway na mayor na bida-bida sa bakuna, kasuhan!
- BULGAR
- Mar 26, 2021
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 26, 2021
LIMANG PASAWAY NA MAYOR, KASUHAN AGAD—Dapat kasuhan agad ng Duterte gov’t. ang limang alkalde na sina Mayor Alfred Romualdez ng Tacloban City, Mayor Dibu Tuan ng T’boli, South Cotabato, Mayor Sulpicio Villalobos ng Sto. Niño, South Cotabato, Mayor Noiel Rosal ng Legazpi City, Albay at Mayor Abraham Ibba ng Bataraza, Palawan dahil sa isyung nagpabakuna sila kahit hindi sila mga health workers.
Mahigpit ang tagubilin ng WHO (World Health Organizations) na sa mga ibinigay na donasyong Sinovac ng China at AstraZeneca ng UK (United Kingdom), health workers ang unang dapat mabakunahan dahil kung lalabag ang Pilipinas, baka maging daan ito upang hindi na mag-donate ng mga COVID-19 vaccines ang WHO sa bansa.
Kasuhan na agad upang maipakita sa WHO na hindi tono-tolerate ng Duterte gov’t. ang mga pasaway na mayor, period!
◘◘◘
PUSPUSANG IMBESTIGASYON BAKA HINDI LANG LIMA ANG PASAWAY NA MAYOR—Dapat magsagawa ng puspusang imbestigasyon ang Duterte gov’t. sa lahat ng munisipalidad at lungsod na nabigyan ng donasyong bakuna at alamin kung may iba pang mayor na mas nauna pang magpabakuna kaysa sa mga health workers.
Baka hindi lang ang limang mayor ang pasaway, kundi marami pa, boom!
◘◘◘
BALIK-DUTY NI GEN. SINAS, BAKA MAGING SANHI PARA BUMANTOT ULIT ANG IMAHE NG PNP—Matapos ang kanyang 14-days quarantine ng magka-COVID-19, balik-trabaho na si PNP Chief Gen. Debold Sinas.
Naku, baka dahil d’yan ay bumantot na naman ang imahe ng PNP kasi balik duty na bilang pinuno ng Pambansang Pulisya ang pasaway na police general, boom!
◘◘◘
NOON PA MAN, HINDI NA TYPE NG MAYORYANG PINOY NA MAGING PNP CHIEF SI GEN. SINAS—Noon pa man ay hindi na type ng mayoryang Pinoy na maging PNP chief si Gen. Sinas, dahil bukod sa chubby ito, pasaway na police general pa nang magdaos ng birthday party last year na malinaw na paglabag sa mass gathering sa gitna ng pandemyang COVID-19.
Malakas lang talaga kay P-Duterte si Gen. Sinas kaya kahit napakaraming police general na matipuno at wala pang bad record, siya pa ang itinalaga ng pangulo na maging PNP chief, buwisit!





Comments