top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ligtas na Simbang Gabi 2021, tiyakin!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 16, 2021
  • 2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | December 16, 2021



Simula na ngayong araw ang tradisyunal na Simbang Gabi.


Upang masiguradong ligtas ang publiko sa nalalapit na mga pagdiriwang ng Pasko, tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na handa na ang kapulisan para rito.


Sa unang araw ng Simbang Gabi, sinabi ng PNP na may mga pulis na nakabantay sa mga simbahan dahil nakatakdang tutukan ng kapulisan ang crowd control dahil sa posibleng pagdagsa ng mga magsisimba.


Nagpaalala rin ang mga awtoridad na mahigpit na ipatutupad ang 70% occupancy rate na pinapayagan sa mga simbahan sa ilalim ng Alert Level 2.


Habang ang ibang pulis ay may dalang rattan sticks bilang panukat ng physical distancing, ang iba naman ay gagamit ng trompa o megaphone para sa kanilang Oplan-Bandilio upang paulit-ulit na maipaalala sa mga nagsisimba na sundin ang health protocols na ipinatutupad sa mga simbahan.


Gayunman, hindi lamang sa mga simbahan magdaragdag ng deployment dahil magkakaroon din ng karagdagang kapulisan sa mga terminal tulad ng ports, plaza, gayundin ang mga palengke at mga tourist destination.


Bagama’t nakatutuwa na tuloy pa rin ang tradisyon tuwing Pasko, hinay-hinay lang tayo.


Tulad ng palagi nating paalala, nariyan pa ang virus kaya ‘wag kalimutang mag-ingat sa lahat ng pagkakataon.


Sana ay hindi lamang sa unang araw ng Simbang Gabi magkaroon ng mahigpit na pagbabantay ang ating kapulisan, kumbaga, sana ay hanggang matapos ito ay parehong effort ang ibibigay natin para sa kaligtasan ng publiko.


At pakiusap naman sa mga dadalo sa misa, tandaan na lumabas kayo para magsimba at hindi magpasaway.


Huwag kalimutan ang esensiya ng Simbang Gabi ngayong Kapaskuhan. Iwasang magpasaway dahil hindi ito nakatutulong.



Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page