top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ligtas na pagsalubong sa 2022, kayang-kaya!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 30, 2021
  • 1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | December 30, 2021



Bagama’t kapansin-pansin ang muling pagtaas ng COVID-19 cases araw-araw, naninindigan ang OCTA Research Group na hindi pa kailangang magpatupad ng mas mahigpit na restriksiyon sa National Capital Region (NCR).


Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, bagama’t dumoble na ang COVID-19 reproduction number ng NCR mula sa 0.44 noong nakaraang linggo, naging 0.85 ngayon, bagay na mas mababa pa rin sa 1, na ikinokonsiderang ‘good indicator’.


Ang reproduction number ay ang bilang ng mga taong maaaring mahawahan ng COVID-19 patient.


Dagdag pa ni David, ang naitatalang pagtaas ng mga kaso ng sakit ay dahil sa panahon ng Kapaskuhan dahil mas maraming pagtitipon na dinadaluhan ang mamamayan.


Habang naniniwala tayong hindi dapat ikabahala ang mga naitatalang pagtaas ng COVID-19 cases, hindi ito dahilan para magrelaks. Hindi sa pagiging nega, pero sa totoo lang tayo.


Iisa lang ang nais natin — ang salubungin ang Bagong Taon nang ligtas at walang panganib sa ating kalusugan.


Kaya paalala sa lahat, hindi masamang magpakasaya ngayong holiday season, pero ‘wag sana nating kalimutan ang mga pag-iingat at disiplina, bagay na pinakamahalaga sa lahat.


Ibang-iba man ito sa mga nakasanayan nating pagdiriwang, no choice kundi sumabay sa ‘new normal’ para makaiwas sa hawahan.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page