Ligtas na face-to-face classes sa 2022, tiyakin!
ni Ryan Sison - @Boses | December 24, 2021
Umaasa ang Department of Education (DepEd) na mapapalawak pa ang implementasyon ng limited face-to-face classes.
Ito ang sinabi ni Education Secretary Leonor Briones kasabay ng pagbabakuna ng mas maraming Pilipino laban sa COVID-19 sa tulong ng ikinasang National Vaccination Day.
Ayon pa sa kalihim, malaki ang kanilang interes na magbukas ng face-to-face classes, hindi lamang sa mga lugar na wala masyadong tao kundi pati sa urban areas.
Gayundin, hinihikayat nito ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang anak dahil magbabase aniya ang pagbabalik ng face-to-face classes sa magiging resulta ng vaccination campaign.
Isa sa malaking progreso ngayong taon ang maibalik ang face-to-face classes, hindi man sa buong bansa, pero nakikita na natin kung kakayanin pa itong palawigin sa susunod na taon.
‘Yun nga lang, kailangan talagang maging matagumpay ang vaccination campaign upang magtuluy-tuloy ang face-to-face classes.
Kaya panawagan sa mga magulang, pabakunahan ang inyong mga anak laban sa COVID-19 kung nais nating silang makabalik nang ligtas sa mga paaralan.
Samantala, panawagan sa mga lokal na pamahalaan, paigtingin ang kampanya sa bakuna.
Hangga’t kaya natin, ipaunawa sa mga magulang na ligtas ang bakuna at mabisa itong panlaban sa malalang epekto ng COVID-19.
Kung matutuloy ang pagpapalawig nng face-to-face classes, wala tayong ibang hangad kundi ang ligtas na balik-eskuwela. Kaya pakiusap sa mga kinauukulan, bilisan din ang pagbabakuna sa mga batang magbabalik-eskuwela sa susunod na taon.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com





Comments