top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Lifestyle check sa 107 officials ng LTO, BOC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 18 minutes ago
  • 1 min read

by Jeff Tumbado @News | August 26, 2026



Lifestyle check sa 107 officials ng LTO, BOC

Photo: File / LTO



Magsasagawa ang Office of the Ombudsman ng lifestyle check sa mahigit 100 opisyal ng mga ahensiya ng gobyerno na itinuturing na “income-generating,” kabilang ang Land Transportation Office (LTO) at Bureau of Customs (BOC).


Ito ang ibinahagi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla nitong Martes sa pagdinig ng House Committee on Appropriations kaugnay ng panukalang budget na mahigit P7 bilyon para sa kanilang tanggapan.


Tinanong ni Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno si Remulla kung nagsasagawa ang Ombudsman ng lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno.


Ayon kay Remulla, kasalukuyang isinasagawa ang 107 lifestyle checks, at nadaragdagan pa ang mga pangalan sa listahan habang patuloy silang kumukuha ng impormasyon tungkol sa mga opisyal sa Customs, LTO at iba pang ahensiyang kumikita para sa pamahalaan.


Aniya, partikular na tinututukan ang mga ahensiyang ito dahil dito umano mas madalas na nangyayari ang mga tinukoy niyang “lifestyle sins”.


Noong nakaraang taon, iniutos din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsasagawa ng lifestyle check sa lahat ng opisyal ng gobyerno, na sinimulan sa mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) bilang bahagi ng mas malawak na pagsusuri sa mga proyekto sa flood control. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page