top of page
Search
  • BULGAR

Libreng sakay sa LRT-2

ni BRT | April 30, 2023




May libreng sakay ang LRT-2 para sa mga manggagawang Pinoy sa ilang piling oras sa Mayo 1, Araw ng Paggawa.


Tatakbo ang libreng sakay ng LRT-2 para sa mga nagtatrabaho sa pampubliko at pribadong sektor mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga.


Magbabalik ang libreng sakay sa parehong araw simula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.


Kailangan lang magpakita ng ID mula sa kumpanyang pinagtatrabahuan o anumang valid government-issued identification card.


Inaasahang makikinabang sa libreng sakay ang mga pupunta sa mga job fair sa Araw ng Paggawa.


Gagawin ang libreng sakay para sa mga manggagawa bilang pagkilala sa makabuluhang ambag sa pag-unlad ng bansa.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page