top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Libreng sakay, ‘di lang komyuter ang nakikinabang; drayber, kumikita rin

BULGAR
Jul 1, 2021
1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | July 01, 2021


Natapos na kahapon, Hunyo 30 ang libreng sakay para sa mga manggagawa mula sa public utility vehicle service contracting program ng gobyerno.


Gayunman, umaasa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maisulong ng mga mambabatas ang pagpondo upang mapalawig pa ang PUV service contracting program.


Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra, may mga hakbang sa Kongreso para pondohan ang programa sa pamamagitan ng paggamit ng pondo mula sa 2021 budget.


Gayundin, sumangguni na ang LTFRB sa Department of Budget and Management (DBM) para sa pagpapatuloy ng nasabing programa. Inaayos na rin umano ng DBM ang nasabing pondo para sa pagpapalawig ng nasabing programa.


Sa kabila ng mahabang pila sa itinayong mga bus stop, hindi natin maitatanggi ang tulong na naibigay ng libreng sakay sa ating mga maggagawa.


Para sa kanila, ang maliit na halagang natitipid sa pamasahe ay puwede pang ilaan sa mas mahalagang gastusin. Isa pa, ginhawa itong sakyan dahil nasusunod ang minimum health protocols sa loob ng bus.


Bagama’t nauunawaan nating napakaraming kailangang paglaanan ng pondo habang nakikipaglaban tayo sa pandemya, ‘wag natin kalimutan kung gaano kahalaga ang programang ito sa mga komyuter at iba pang manggagawa.


Tandaan na hindi lamang ang makapagbigay ng maayos at ligtas na biyahe ang ating layunin dahil kasama rin dito ang mabigyan ng hanapbuhay ang mga drayber.


Kaya panawagan sa mga kinauukulan, kung kaya nating gawan ng paraan, ‘wag nating hayaan na matigil ang programang ito.



Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page