top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

LGUs na sangkot sa illegal logging at mining, tuluyan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 26, 2020
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | November 26, 2020


Matapos ang malawakang pagbaha na resulta ng sunud-sunod na paghagupit ng bagyo sa bansa, naungkat ang mga isyu ng ilegal na pagpuputol ng punong-kahoy at pagmimina.


At kamakailan, umamin si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na may ilang mayors ang posibleng nakikinabang sa mga illegal logging at mining operations sa kanilang mga nasasakupan.


Ayon kay Año, hindi pinatitigil ng ilang mayors ang ilegal na gawaing ito dahil posibleng natutulungan at nasusuportahan sila ng mga ito sa kanilang kampanya.


Kaugnay nito, nagbabala ang Palasyo sa mga alkalde na dawit sa ilegal na pagpuputol ng punong-kahoy at pagmimina, na sinisisi sa malawakang pagbaha matapos ang sunud-sunod na hagupit ng bagyo sa bansa.


Sa totoo lang, nakadidismaya dahil ang mga tinaguriang lider pa pala ang sangkot sa ganitong gawain. Hindi natin nilalahat, pero hindi maaalis ang katotohanan na ang dapat ehemplo ay may ginagawa palang ilegal.


Kaya ngayon, kitang-kita natin ang epekto ng mga gawaing ito sa kalikasan kung saan napakaraming bahay ang nasira at sandamakmak na kabuhayan ang nawala.


Napalaking danyos ang iniwanan ng magkakasunod na bagyo, kaya plis lang, ‘wag kayong magbulag-bulagan.


Kung magsilbi sa publiko ang talagang pakay n’yo, patunayan n’yo. Gamitin n’yo ang inyong kapangyarihan para maibigay sa taumbayan ang totoong serbisyo at hindi para gamitin sa mga personal na pakinabang.


Samantala, panawagan naman sa mga kinauukulan, ‘wag puro babala, galaw-galaw din.


Patunayan n’yong kayang panagutin ang mga dapat managot para tubuan naman ng hiya ang mga opisyal na ‘yan.


Panahon na para seryosohin ang mga babalang ito dahil hindi biro ang epekto ng ginagawa nilang ilegal.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page