top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

LGUs, may bagong tungkulin vs. COVID-19 pandemic

BULGAR
May 28, 2021
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | May 28, 2021


Ipauubaya ng Department of Health (DOH) sa mga local government units (LGUs) kung anong frontline workers sa essential sectors ang magiging ‘A4’ priority group na matuturukan ng COVID-19 vaccine.


Paliwanag ng DOH, maaaring may ilang lungsod at munisipalidad ang kailangang maiprayoridad ang ilang subgroups sakaling magkulang ang suplay ng mga bakuna.


Matatandaang nakatuon ang pagtuturok ng A4 at A5 categories sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna, Pampanga, Batangas, Metro Cebu at Metro Davao.


Tutal, alam naman ng mga lokal na pamahalaan kung ano’ng makabubuti sa kani-kanilang nasasakupan at mamamayan, mabuti ring kontrolado nila kung sino ang mga dapat iprayoridad sa pagbabakuna.


Pero sana, bago tayo magpasa ng obligasyon sa lokal na pamahalaan, magkaroon ng panuntunan o ‘ika nga, back-up plan kung sakaling magkulang ang suplay ng bakuna dahil paraan din ito upang matiyak na masusunod ang priority list ng gobyerno.


Sa totoo lang, nakapalaking responsibilidad nito para sa mga lokal na pamahalaan dahil kung tutuusin, napakarami na nilang ginagawa para tumugon sa pandemya, gayundin, dagdag-hamon pa ang panghihikayat na magpabakuna ang taumbayan, at ngayon ay nadagdagan pa nga.


Samantala, hindi porke may kalayaan ang LGUs na mamili kung sino ang ipaprayoridad, kailangang matiyak na hindi ito maaabuso. Kumbaga, ang dapat maturukan ay ang mga nasa priority list at hindi kung sinu-sino lang.


Gayunman, sa pamamagitan ng gawaigng ito, hangad nating maging maayos ang pamimigay at pagtuturok sa ating mamayan.


Malaking hakbang ito upang umusad ang ekonomiya at matuldukan ang pandemya.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page