LGU employee, pinagbabaril, utas

by Jeff Tumbado @News | November 7, 2026

Photo: File
Patay ang isang 37-anyos na empleyado ng lokal na pamahalaan matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin habang pauwi sa Brgy. Libertad, Quezon, Bukidnon, alas-2:30 ng madaling-araw nitong Biyernes.
Ayon sa pulisya, sinusundan umano ng mga suspek na sakay ng motorsiklo ang biktima bago ito harangin at pagbabarilin malapit sa isang taniman ng tubo.
Isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival.
Narekober sa lugar ang mga bala at basyo mula sa kalibre .45 na baril.
Patuloy ang hot pursuit operation ng pulisya upang matukoy at madakip ang mga salarin.





Comments