Level-up na… GABBI, INSTANT HOLLYWOOD STAR NA!
- BULGAR
- Aug 17, 2024
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary| August 17, 2024

Very lucky si Gabbi Garcia dahil siya ang napili bilang nurse character sa international action movie ni Scott Adkins na Death March (DM). Si Adkins ay isang British actor na kilala bilang si Yuri Boyka sa karakter niyang Russian prisoner sa Undisputed III: The Last Man Standing.
Excited ang Kapuso actress dahil hindi lang daw isang nurse ang karakter niya, kundi may fight scenes din umano siya. Dito sa Pilipinas isinu-shoot ang movie kung saan kasosyo ang production team ni Alden Richards.
Ayon kay Scott, kasama niya ang kanyang pamilya rito sa Pilipinas at nag-e-enjoy daw ang mga ito sa Bay Area sa Subic.
Sey naman ng fan ni Gabbi, “Wow, Hollywood star na si Gabbi. ‘Di n’ya hinanap, kusang dumating, huh!”
Bongga, ‘di ba?
Usap-usapan ngayon sa social media ang deactivation umano ng social media account ni Kobe Paras.
Ayon sa mga komento, hindi umano ma-search ang social media ng anak ni Benjie Paras. Espekulasyon ng mga netizens, deactivated umano ang account ng binata.
“User not found” ang lumalabas kapag sine-search ang account.
Wala pang reaksiyon si Kobe kung may katotohanan ngang deactivated ang kanyang account at bakit.
Sey ng mga netizens… “Bakit wala IG ni Koko Paras?”
“Naka-deactivate ata IG account ni Kobe. Sana okey lang sila (Kyline Alcantara).”
“Bakit hindi ko na ma-search si Kobe?”
“Totoo? ‘Di ko s’ya ma-search.”
Isa namang netizen ang nagtanong kay Kyline, “Idol Kyline, bakit wala na po Instagram si Idol Kobe?”
“Deactivated ata IG ni Kobe, ‘di natin alam kung bakit. Pero please, tigilan n’yo na kasi kaka-mention sa kanya sa mga IG posts ni Kyline. Pine-pressure n’yo nang mag-like, comment, story, or what, eh. While it’s true that their chemistry is???
something and it’s making you all happy, let’s stop making it look like they are responsible to keep that ‘kilig’ para sa inyo. Kaya nga lowkey kasi ‘di yan love team na gagawa ng teleserye or series. Let them enjoy what they have genuinely,” sey ng isang commenter na may pag-aalala sa celebrity couple.
Kahit deactivated na nga ang Instagram (IG) account ni Cristine Reyes, may post pa rin si Marco Gumabao ng larawan ng girlfriend kung saan binati niya ang boyfriend.
Ang nasabing larawan ng aktres ay mula sa account na @cristineklenk. Nilagyan ito ng aktres ng caption na: “Cheers to 30! - cristineklenk.”
Komento tuloy ng mga netizens, “Mga papansin.”
“Kasi may pumapansin like us.”
“True! Katulad ng isang lalaki na nag-deactivate rin ng account.”
“Papansin daw ‘yan s’ya, sabi ni atih.”
“Hahaha! Dami na-trigger. Kailan kaya maghihiwalay ‘tong dalawa?”
“May new projects kasi sila (individually) para pag-promote, may mapag-usapan.”
“Or they’re just living their lives?”
“Asumera lang kasi mga Marites. Konting gawin, may meaning agad.”
“Papansin kasi si Cristine. May pa-deactivate pa siya ng IG, nalalaman naman. Alam na naman natin, maraming Marites sa ‘Pinas. ‘Di na kasi matunog ang pangalan, ‘to namang si Marco, nagpapansin din, tatakbo sa Bicol.”
“Saan ba kasi ‘yung issue na naghiwalay sila, ‘di naman totoo?”
Comments