Level up daw dahil kay Nora... BIANCA, KINAIINGGITAN NG MGA KAPUSO STARS
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 21, 2023

Maraming Kapuso stars ang naiinggit ngayon kay Bianca Umali dahil makakasama niya ang Superstar na si Nora Aunor sa pelikulang Mananambal na balak isali sa darating na MMFF 2023.
Kukunan pa ito sa Siquijor Island.
Halos lahat ng artista ay pinapangarap na makatrabaho ang multi-awarded actress na ginawaran ng parangal bilang National Artist for Film and Broadcast. Ultimate dream ng mga artista, lalo na ng mga baguhang artista ang makatrabaho ang nag-iisang Superstar.
Sina Alden Richards, Alfred Vargas at Yul Servo ang ilan sa mga artistang sobrang proud na nakatrabaho si Nora. Pinaghandaan nila nang husto ang kanilang mga karakter upang hindi mapahiya sa Superstar.
Kaya excited ang mga fans ni Bianca dahil alam nilang maraming matututunan ang young actress kay Nora. Tiyak na magle-level-up ang pagiging aktres ni Bianca kapag sumalang na sila sa mga eksena ng Superstar sa pelikulang Mananambal.





Comments