Lesson learned na raw… MEGAN, AMINADO SA KAPALPAKAN SA PAGHO-HOST NG MS. WORLD 2024
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 14, 2024

Hindi sukat-akalain ni Megan Young na sa kagustuhan niyang makatulong sa isang kandidata ng Ms. World 2024 na si Ms. Botswana Lesego Chombo ay maba-bash siya nang husto sa social media.
Sa Question and Answer portion, hinawi ni Megan ang buhok ni Ms. Botswana dahil nakatakip ito sa kanyang mukha.
Ngunit, ayon pala sa kultura sa bansa ni Ms. Botswana, bawal hawakan ang kanilang buhok ng sinuman dahil isa itong form ng witchcraft o pangkukulam, na ‘di naman alam ni Megan na host ng Ms. World 2024.
Ganunpaman, humingi na ng apology ang 2013 Ms. World na si Megan sa mga mamamayan ng Botswana at pati na rin kay Lesego Chombo.
Sa kabila ng nangyari, hinangaan naman ng mga netizens ang ginawang pagpapakumbaba ni Megan sa pag-amin na nagkamali siya at wala siyang masamang intensiyon kay Ms. Botswana.
Sa post din ni Megan sa kanyang Facebook page, sinabi niya na gusto lang niyang makatulong kay Ms. Botswana at lesson learned ito para sa kanya.
Bandang huli, tinanggap naman ni Megan Young na ito’y isang pagkakamali at kapalpakan sa pagho-host ng Ms.World 2024.
Lumayas sa ‘Pinas…
PAOLO, NA-DEPRESSED SA PAGKAKATSUGI NG SHOW

Tunay na dinamdam nang husto ni Paolo Contis ang pagkakatsugi ng nooontime show nilang Tahanang Pinakamasaya kung saan 8 months din siyang tumayong main host ng show.
Kinarir ni Paolo ang pagho-host at kanyang obligasyon sa TP (Tahanang Pinakamasaya).
Kinaya rin niyang gumising nang maaga araw-araw para sa nasabing noontime show.
Ibinigay niya ang kanyang full energy sa TP upang magustuhan ng mga viewers.
Kaya naman apektadung-apektado siya nang mamaalam na sa ere ang Tahanang Pinakamasaya. Mahahalata na nade-depressed siya kaya minabuti niyang magbakasyon abroad. Nais na rin muna niyang mapag-isa pansamantala at pati ang mga kasama niyang hosts sa TP ay malungkot din.
Pero, tinanggap nila na kailangan nang mag-goodbye ng kanilang show at mag-move on na silang lahat.
Samantala, si Mayor Isko Moreno o mas kilalang si Yorme nga na malaki ang exposure sa TP ay tanggap na ang kapalaran ng nasabing noontime show. Kapansin-pansin na masaya ang mga naging experience niya sa kanyang pagiging host ng TP at katwiran niya, “The show must go on.”
Kaya tuloy pa rin ang kanyang showbiz career. ‘Ika nga nila, go lang nang go kapag may offer na show.





Comments