top of page
WINNER - ALEX, INILANTAD NA ANG PAGBUBUNTIS-IG _cathygonzaga.jpg

Lehitimo man o hindi… Batas kaugnay sa kasal sa pagitan ng magkamag-anak

  • BULGAR
  • Aug 24, 2022
  • 1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | August 24, 2022


Dear Chief Acosta,


Apelyido ko ang ginamit ng aking anak dahil ang tatay niya ay pinsang buo ko. Naputol ang relasyon namin sa pamilya at mga kamag-anak dahil sa nangyari at nagpasya kaming lumayo para magpakasal. Magiging wasto ba ang pagpapakasal namin? - Tonet


Dear Tonet,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Article 38 (1) ng Family Code of the Philippines na nagsaad na:


“ARTICLE 38. The following marriages shall be void from the beginning for reasons of public policy:


  1. Between collateral blood relatives whether legitimate or illegitimate, up to the fourth civil degree; xxx” (Binigyang-diin)


Malinaw na nakasaad sa batas na ang kasal sa pagitan ng magkadugong kaanak, lehitimo man o hindi, hanggang sa ikaapat na antas sibil ay walang bisa sa simula sa kadahilanan ng pampublikong patakaran.


Sa iyong sitwasyon, ang pinaplano mong kasal sa iyong pinsang buo ay hindi pinapayagan ng batas. Bilang magpinsang buo, kayo ay magkadugong kaanak sa ikaapat na antas sibil, kaya kung itutuloy ninyo ang inyong balak na magpakasal ay wala itong bisa.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page