Legal ba ang paluwagan?
- BULGAR
- Nov 6, 2023
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | November 6, 2023
Dear Chief Acosta,
Nanghihikayat iyong isang katrabaho ko na sumali ako sa “paluwagan” pero nagdadalawang-isip ako dahil sa mga kuwentong naririnig ko na hindi na nababalik ang kanilang pera. Legal ba ang paluwagan? - Mitzel
Dear Mitzel,
Tinalakay ng Kagalang-galang na Korte Suprema sa kasong Dinna Castillo vs. Zenaida C. Buencillo (A.M. No. P-97-1241, 20 March 2001, Ponente: Honorable Associate Justice Jose Armando R. Melo) na ang paluwagan ay isang pamamaraan kung saan ang mga miyembro ay sumang-ayon na ilagay ang kanilang pera sa isang karaniwang pondo.
Bawat isa sa kanila ay tumatanggap ng “payout” na katumbas sa kabuuang halaga na nakolekta mula sa lahat ng mga miyembro, sa isang partikular na panahon at sa isang tinukoy na oras. Ito ay itinalaga bilang kanilang partikular na iskedyul upang makatanggap ng nakolektang pondo:
“Paluwagan is not a form of gambling or lottery. It is not a game of chance where one wins while the others lose; it is a scheme where the members agree to put their money in a common fund, each one of them receiving the total amount collected from all the members for a given period at a specified time designated as their particular schedule to receive the same (Evaluation of the Office of the Court Administrator, August 17, 2000, p. 11). It does not involve wagering, gambling, or betting penalized under the Revised Penal Code (Record, p. 112). Respondent did not violate any law in engaging in paluwagan.”
Kaayon nito, sa kasong Samuel Barangan vs. Court of Appeals and Leovino Jose (G.R. No. 123307, 29 November 1999, Ponente: Honorable Associate Justice Josue N. Bellosillo), pinasyahan ng Kagalang-galang na Korte Suprema na ang paluwagan, bilang isang trust fund kung saan ang mga miyembro nito ay maaaring kumuha ng pera kung sakaling kailanganin, ay hindi labag sa batas:
“It has been proven time and again that schemes such as in the instant case — innocuously denominated as a paluwagan — are but rackets designed to victimize the gullible public. We want to clarify, however, that a paluwagan, which operates as a trust fund from which members can draw money in case of need, is not illegal per se. But if it becomes a device to entice investments, usually with the promise of enormous dividends, when in truth the ultimate objective is to swindle the investors, then the scheme is transformed into an illegal activity. x x x”
Gayunpaman, kung ito ay magiging isang kasangkapan upang maakit ang mga mamumuhunan, kadalasang may pangako ng napakalaking dibidendo ngunit ang tunay na layunin ay linlangin ang mga namumuhunan, ang diumanong paluwagan ay magiging isang ilegal na aktibidad.
Kaya naman, dapat mo munang imbestigahan kung ang nasabing aktibidad ng iyong katrabaho ay tunay bang isang paluwagan o baka ito ay isang pamamaraan ng panlilinlang sa kapwa.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.








Comments