top of page
BIDA - JIM PAREDES, MINURA ANG 13 SENATORS NA NAGPATALSIK KAY SEN. TITO BILANG SENATE PRES

Laya na, pero nagtatago pa rin… OGIE, HINAHABOL ANG MILYONES NA UTANG NG MISIS NI TERRENCE ROMEO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 28, 2022
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | September 28, 2022



“May nagbalita sa akin na nakalaya na raw!” bungad ni Ogie Diaz sa vlog nila ni Mama Loi kasama si Tita Jegs, ang Showbiz Update na in-upload sa YouTube channel.


Ang tinutukoy ni Ogie ay si Beatrice Pia White na asawa ng basketbolistang si Terrence Romeo.


Matatandaang nahuli si Pia White sa entrapment na isinagawa noong Enero 10, 2022 at kinasuhan ng estafa, use of fake names, at technical carnapping.


May pinag-uusapan sina Ogie at Mama Loi tungkol sa mga investment scam at dito naalala ng una na hindi niya malilimutan ang 7 digits o milyones na in-invest niya sa asawa ni Terrence na si Pia White.


Tinanong ni Mama Loi ang kaibigang Ogie kung nagparamdam na sa kanya si Pia White.


Malungkot na sagot nito, “Hindi pa nga nagpaparamdam, eh. Teka (tsinek kung may contact pa siya). Hayan, binlock na ako sa Viber.


“Sandali, ‘yung isa na kasama niya sa… (akusado ring si Efcel Reyes), ayan, binlock din ako ni Efcel. Ang galing ninyo! So, feeling ko talaga, nakalaya kayo kasi binlock n’yo ako! Nakagamit sila ng cellphone, binlock nila ako sa Viber.


“Kawawa naman talaga ‘yung mga nagtrabaho nang matino at ipinagkatiwala sa inyo ‘yung pera. Sana nga, Pia, (at) Efcel, magbago na kayo dahil sumasakit na rin ang ulo ko sa inyo, ang galing ninyo!”


Nakangiti si Ogie pero halatang may gigil na naramdaman sa pagkakalaya nina Pia White at Efcel Reyes.


“Sana po huwag n’yo nang ulitin,” payo naman ni Mama Loi sa dalawang akusado.


Salo ni Ogie, “Naku, ‘yun nga ‘yung nabalitaan ko. Gaano katotoo, ito, patanong ito, ah, na diretso pa rin ang business?”


“Ha? Ano ba naman, Pia, nabigyan na nga ng second chance in life?” seryosong sabi ni Mama Loi.


Tugon ni Ogie, “Oo, pero siyempre, hindi pa rin tayo sigurado kung nakalaya na, may nagkuwento lang sa atin dahil nagpatuloy pa raw sa negosyo parang last month.


“Eh, kelan sila inano (pinalaya)? 'Di ba, parang na-apprehend sila nu’ng January sa entrapment.


Hindi sila nagpaparamdam ngayon. Balitaan n’yo naman po kami.”


Dagdag pa nito, “Kung sasabihin nga lang sa akin ni Pia na ‘Mama Ogs, ido-donate ko na lang sa foundation mo kaysa ibigay sa ‘yo,' okay lang!


“Seriously speaking, kung kayo ay nakalaya na, huwag na kayong gagawa ng masama.


Magbago na kayo, maghanapbuhay kayo nang parehas, nang patas, 'di ba? Masarap kumita nang hindi galing sa pang-iisa.”


At dito nabanggit ni Ogie na may event ulit ang Kasuso Foundation sa Oktubre 16 para sa mga breast cancer patients.


“Kahit doon na lang, Pia (magbigay ng tulong), ‘yung buong utang mo, doon mo ilagay sa foundation,” pahayag nito.


Samantala, bukas naman ang BULGAR sa kampo nina Pia White at Efcel Reyes tungkol sa mga pahayag nina Ogie at Mama Loi.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page