top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Lavine at Horford, mga bida sa Bulls at Celtics

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 21, 2023
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | January 21, 2023




Nagwagi ang Chicago Bulls sa Detroit Pistons, 126-108, sa espesyal na laro sa NBA kahapon mula sa Accor Arena sa Paris, France. Sa Amerika, nanaig ang numero unong Boston Celtics sa World Champion Golden State Warriors sa overtime, 121-118, sa tapatan ng mga huling lumaban para sa kampeonato ng liga.


Hindi sinayang ng Bulls ang malayong inilakbay at sa simula ay agad hindi pinaporma ang Pistons. Umabot hanggang 22 ang lamang, 124-102, sa huling 39 segundo bago binawasan ito ng Detroit.


Ipinasok ni Zach LaVine ang walo ng kanyang 30 puntos sa first quarter pa lang. Sinundan siya nina DeMar DeRozan na may 26 puntos at Nikola Vucevic na may 16 puntos at 15 rebound.


Sumandal ang Celtics sa magkasunod na 3-points nina Al Horford at Jayson Tatum upang lumayo sa overtime, 118-111, at 1:26 sa orasan. Bago noon ay ipinasok ni Jaylen Brown ang 3 na may 18 segundong nalalabi sa 4th quarter, 106-106, at nagmintis ang tira ni Stephen Curry para sa limang dagdag minuto.


Sa isa pang laro, kinailangan ng Minnesota Timberwolves ang dalawang free throw ni D’Angelo Russell na may 9.9 segundo upang magtagumpay sa Toronto Raptors, 128-126.


Nanguna si Russell na may 25 puntos at nag-ambag ng 23 si Anthony Edwards.


Samantala, patuloy ang pamamayagpag nina LeBron James, Kyrie Irving at Stephen Curry matapos ang pangatlong bilangan ng boto para sa 2023 All-Star subalit may pagbabago at si Giannis Antetokoumpo na ang numero uno sa mga forward/center ng Eastern Conference at nilampasan si Kevin Durant. Maaari pang bumoto sa NBA app o NBA.com hanggang Enero 22 upang makasama sa taunang laro sina kabayan Jordan Clarkson at Jalen Green.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page