top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Late at banong young star, tinalakan… NORA, SHOCKED AT TAKOT NA TAKOT NANG MAGALIT SI GINA

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 7, 2023
1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 7, 2023


Palaisipan sa entertainment press kung sino ang young star na tinutukoy nina Direk Gina Alajar at Nora Aunor sa storycon ng Pieta movie — na mula sa Alternative Vision Cinema at Noble Wolf Films ng aktor na si Alfred Vargas — na tinalakan at sinabon ng magaling na aktres-direktora sa taping ng dating seryeng Onanay.


Nagsimula ito nang matanong ang Superstar kung naka-experience na rin ba siya ng mga young stars na pasaway o may attitude problem sa taping.


Mukhang may biglang naalala sina Direk Gina at Ate Guy dahil nagkatrabaho nga sila sa seryeng Onanay kaya nagbulungan muna ang mga ito bago nagsalita si Direk Gina.



Kuwento ng magaling na aktres, hindi niya talaga napigilan ang sarili na talakan-pagalitan ang isang young star ng dating serye sa Kapuso Network dahil late na nga raw dumating sa set, hindi pa kabisado ang mga dialogues at hindi makasabay sa pag-arte sa Superstar.


Pag-agree naman ni Ate Guy, kahit siya ay takot na takot nang makitang magalit si Direk Gina.


Well, tinanong namin si Direk Gina after ng storycon ng Pieta kung girl ba or boy ang tinutukoy niyang young star pero sweet smile lang ang isinagot nito sa amin.


So, hindi lang pala nag-iisa si Ms. Dina Bonnevie sa kuwentong "talak throwback", char!


Pero na-realize naman daw ni Direk Gina na hindi tamang pagalitan sa harap ng maraming tao ang isang artista, dapat ay kausapin nang personal at pagsabihan sa pagkakamali. After that incident, hindi naman na raw nasundan 'yun.


So, sa mga baguhang artista d'yan, hmmm… alam n'yo na, ha?!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page