top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Last na 'to! PRAMIS NI RAYVER, JULIE ANNE, 'DI NA PAKAKAWALAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 23, 2023
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters! | January 23, 2023




Personal naming kilala ang singer-actor na si Rayver Cruz at nasaksihan namin ang karamihan sa mga naging karelasyon niya at in fairness ay minahal naman niya lahat sila at nababanggit niya ito sa mga panayam niya.


Kaya lang, hindi lahat ng nakarelasyon niya ay naipo-post niya sa social media noon dahil ‘yung iba ay lihim at ‘yung iba naman ay bawal malaman ng publiko kahit buking naman na.


Anyway, kaya kami nagbalik-tanaw ay dahil kitang-kita kung gaano kasaya ngayon si Rayver, kung gaano siya ka-proud sa girlfriend niyang si Julie Anne San Jose dahil bawat kibot ay naka-post siya sa kanyang social media accounts at talagang ipinagsisigawan niya ang dalaga kung gaano niya ito kamahal.


Sumakto rin kasi na parehong musikero sina Rayver at Julie Anne kaya ang pinaka-bonding nila parati ay ang pagtugtog ng gitara at piano saka sasabayan ng kanta habang ibini-video nila ang mga sarili.


Sa latest post ng dalawa sa kani-kanilang Instagram account ay may video silang nagre-record ng kanta na Pag-Ibig Na Kaya na naaliw kami dahil solong kumanta ang singer-actor habang nakaupo si Julie Anne at pinapanood ang kasintahan.


Ang caption ng aktres, “This was taken and recorded last year and it’s now finally out!


Proud talaga ako sa 'yo @rayvercruz (emoji heart) dancer-singer-actor-host-instrumentalist (the list goes on), and now we have a song together, ang husay mo.. you’re the best!!! It’s a milestone (emoji praying hands).


"2 part mini-series of #PagIbigNaKaya is coming soon. #PNKJuliever @universalrecordsph"


Ang sagot naman ni Rayver sa post ng dalaga, “Huhuhu! All because of you, kitang-kita naman sa hawak ko sa paa mo, wahaha! You’re the best po. Sa 'yo ako kumukuha ng lakas ng loob, my spideykins proud of us (emoji heart)."


Siyempre, sumagot din si Julie Anne, “@rayvercruz sweet my pumpkin I gotchu so proud forevs.”


Proud kuya naman si Rodjun Cruz, “Wohoooo!!!! Grabe ! Sobrang proud ako sa inyo! Congratulations sa inyo! Husay n'yo! Super ganda ng song n'yo @myjaps @rayvercruz.”


Nagpasalamat naman si Julie Anne, “@rodjuncruz Thank you, kuya.”


Gayun din si Rayver, “@rodjuncruz Hahaha! Thanks bro, love you!”


Masasabing perfect combination sina Rayver at Julie Anne dahil lahat ng bagay ay magkasundo sila, lalo na sa hilig sa musika. Pati mga ugali ay halos pareho sila, sabi mismo ng mga taong malapit sa kanila. Hindi rin naringgang may pagtatalo o tampuhan sila, laging masaya.


At lahat ng tao, pati netizens ay puring-puri ang dalawa at wala kaming nabasang negatibo sa kanila. Halos lahat ay iisa ang sinasabi, "Bagay sila/kayo. Sana kayo na sa huli.”


Bilang kilala nga namin si Rayver ay alam naman namin na sa bawat relasyon niya ay gusto naman niyang ‘ito na’, pero siyempre, hindi naman masasabi ang panahon na may pagbabago.


Pero this time, hindi na raw niya pakakawalan pa si Julie Anne kahit anong mangyari kaya lagi nilang panalangin sa isa’t isa na basbasan ang kanilang relasyon at gabayan sila sa kanilang mga projects.


Ito rin ang sabi ng Kuya Rodjun ng singer-actor nang huling makausap namin na maging sila ay ipinapanalangin na maging maayos ang JulieVer at maabot nila ang mga hangarin nila sa buhay at respective careers at siyempre, good health.


Samantala, ang awiting Pag-ibig Na Kaya ay OST ng mini-series with the same title na mapapanood na sa YouTube channel ng Universal Records Philippines simula February 3 na sila ang bida kasama ang Korean actor na si Kim Won Shik, mula sa panulat ni JP Lopez at idinirek ni Niq Ablao.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page