top of page

Last 8: Croatia, Morocco, France Portugal at England, aabangan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 8, 2022
  • 2 min read

ni MC - @Sports | December 8, 2022


ree

Opisyal nang natapos ang round-of-16 ng 2022 Qatar World Cup at walong team na lamang ang nalalabi upang pag-agawan ang inaasam na tropeo ng torneo, babanat na sila sa quarterfinals.


Kinatatampukan sila ng pinakamalulupet na elite men's national teams—Brazil (No. 1), Argentina (No. 3), France (No. 4), England (No. 5), Netherlands (No. 8) at Portugal (No. 9)—na nasa top 10 ng FIFA world rankings. Ang Croatia (No. 12) at Morocco (No. 22) ang iba pang teams na nalalabi sa bracket makaraan ang makapigil hiningang paglaglag sa Japan at Spain.


Ang mga astiging team ay maghaharap na para sa semifinals spot na aabangan ay ang Croatia vs. Brazil (10 a.m. ET, sa Education City Stadium) habang ang Netherlands vs. Argentina ng 2 p.m. ET, Lusail Stadium sa Dis. 9.


Pagdako ng Sabado, babanat ang Morocco vs. Portugal (10 a.m. EST, Al Thumama Stadium) at ang England vs. France (2 p.m. EST, Al Bayt Stadium). Unang tinalo ng national football team Brazil ang koponan ng South Korea sa iskor na 4:1 sa 1/8 final match ng World Cup sa Qatar noong Lunes.


Nanguna sa panalo sina Vinicius ng Brazil (ika-7 minuto), Neymar (13, mula sa penalty spot), Richarlison (29), Lucas Paqueta (36). Naiskor ni Paik Seung-ho ang tanging goal para sa South Korea sa ika-76 na minuto.


Ito ang unang pagkakataon mula noong 2010, nang makapasok ang pambansang koponan ng South Korea sa playoff ng World Cup. Nagho-host ang Qatar ng 2022 FIFA World Cup sa pagitan ng Nobyembre 20 at Disyembre 18 sa walong stadium sa limang lungsod sa buong bansa ng Persian Gulf, katulad sa Doha, Lusail, Al Wakrah, Al Khor at Al Rayyan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page