top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Lasingero, sugarol at tsismosa ang i-lockdown!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 5, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 05, 2021



I-LOCKDOWN ANG MGA LASINGERO, SUGAROL AT TSISMOSA, HUWAG ANG MGA NAGTATRABAHO--Dahil sa patuloy na pagdami ng tinatamaan ng COVID-19 ay naobliga ang pamahalaan na palawigin pa hanggang Abril 11, 2021 ang lockdown sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna na nakaapekto na naman sa pamumuhay ng milyun-milyong Pinoy na residente sa limang lugar na ito.


Sana, next week, pagsapit ng Abril 11 at gusto pang magpairal ng lockdown ang pamahalaan, huwag naman lahat ng mamamayan ay i-lockdown, na ibig nating sabihin ay hayaang magtrabaho ang mga may trabaho, at ang i-lockdown na lang ay ang mga lasinggero, sugarol at tsismosa kasi sa totoo lang, sila lang naman ang labas nang labas ng bahay para makipaglaklakan ng alak, magsugal at makipagtsismisan, boom!


◘◘◘


DOH, MAGBILANG LANG NG MGA NAGKAKA-VIRUS ANG KAYANG GAWIN?--Na-shock ang publiko sa iniulat ng Department of Health (DOH) noong Biyernes (Abril 2) na 15,310 ang bilang ng mga Pinoy na nadagdag sa tinamaan ng COVID-19, at dahil d'yan ay inabangan ng mamamayan kung anong mga aksiyon ang gagawin ng Duterte gov't. para makontrol ang pagdami ng mga nagkaka-virus sa Pilipinas, pero ang masaklap ay walang sinabing solusyon ang DOH.


'Yan lang yata ang kayang gawin ng DOH, ang magbilang ng mga tinatamaan ng virus, pwe!


◘◘◘


HINDI KAYA MAGALIT SI P-DUTERTE KAY AYALA KASI PARANG PINALALABAS NITONG PALPAK ANG GOV'T, KAYA'T DAPAT SAKLOLOHAN?Nanawagan si business tycoon Augusto Zobel de Ayala sa mga kapwa niya negosyante na magkaisang tulungan ang Duterte gov't. sa pagtugon sa mga problemang dulot ng COVID-19 sa bansa.


Naku, hindi kaya magalit si P-Duterte kay Ayala kasi kung susuriin ang kanyang statement, tila pinalalabas nitong saklolohan na nila ang palpak na tugon ng Duterte gov't. sa pandemyang COVID-19, period!


◘◘◘


'PINAS, TIGILAN NA ANG KAKA-LOCKDOWN--Depensa ni P-Duterte sa pag-lockdown niya sa ilang lugar sa Pilipinas ay hindi lang gobyerno niya ang nagpapairal ng lockdown, kundi pati ang mga gobyerno ng Ukraine, France, Germany, Poland at Italy.


Hay naku, imbes na magsikap ang pamahalaan sa laban kontra COVID-19 upang matulad ang Pilipinas sa ibang bansa na unti-unti ng nagba-back to normal ang sitwasyon, sa mga bansang nagla-lockdown pa ikinukumpara ang bansa, tsk-tsk-tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page