top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Laos na ang mga Duterte sa Davao kapag natalo sina Baste at Pulong

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 9, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 09, 2021


P-DUTERTE, SAPOL SA SLOGAN NI MARCOS NA IBABANGON ANG PILIPINAS—Nang magdeklara na si Sen. Bong Go na atras na siya sa presidential race, ang dapat ginawa ni P-Duterte ay inindorso na ang kandidatura ni former Sen. Bongbong Marcos na ka-tandem ng anak niyang si Mayor Sara Duterte-Carpio na kumakandidato for vice-president, pero ang masaklap, hindi ginawa ng pangulo, at sa halip ay may bali-balitang si Yorme Isko Moreno pa ang susuportahan for president.


Hindi kaya ang dahilan kung bakit ayaw ni P-Duterte kay Bongbong ay dahil sa slogan nitong, “Ibabangon niya ang Pilipinas?”


Sa totoo lang, parang pinatatamaan ni Marcos sa kanyang slogan ang Duterte gov’t., na para bang nalugmok sa kahirapan ang Pinas sa ilalim ng pamumuno ni P-Duterte kaya’t ibabangon niya, boom!


◘◘◘


KAPAG NATALO SINA BASTE AT PULONG, IBIG SABIHIN LAOS NA ANG MGA DUTERTE SA DAVAO—Kung dati ay walang naglalakas-loob na bumangga sa mga Duterte sa local position sa Davao City, ngayon ay meron na, dahil ang dating kaalyado ng pamilya Duterte na si Atty. Ruy Lopez ay lalabanan sa pagka-alkalde si Vice Mayor Baste Duterte at sa pagka-kongresista naman ay lalabanan ni peace advocate Ma. Victoria Maglana si incumbent Rep. Paolo Duterte.


Dapat pursigihin nina Baste at Pulong na manalo sa Davao City kasi kapag natalo sila, ibig sabihin niyan, laos na sa Davao ang pamilya Duterte, period!


◘◘◘


HINDI HABANG PANAHON SIKAT ANG MGA DUTERTE, BAKA MATULAD SILA SA ESTRADA (EJERCITO) NA LAHAT TALO NOONG 2019 ELECTION—Bukod kina Baste for mayor, Pulong for congressman ay for senator naman erpat nilang si P-Duterte at for vice-president si Mayor Sara.


Hindi dapat magpakampante ang mga Duterte na kaya sabay-sabay silang kumakandidato ay wala silang talo sa eleksiyon dahil Duterte ang apelyido nila.


Dapat tandaan ng mga Duterte na hindi habang panahon ay sikat ang apelyido nila, lalo na’t matagal na sila sa pulitika kasi kapag nagsawa na tao sa kanila ay baka matulad sila sa pamilya Estrada (Ejercito) noong 2019 election, na sabay-sabay kumandidato, pero walang nakalusot, lahat ay talo, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page