top of page
SHEET - MGA ARTISTANG NAG-EENDORSO NG ONLINE GAMBLING, ‘DI NAGLALARO-IG _ogie_diaz.jpg

NADINE, BINANATAN NG NETIZENS SA PAGSUPORTA KINA LENI AT KIKO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 19, 2022
  • 1 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | January 19, 2022




Trending ang ipinost ni Nadine Lustre sa kanyang Instagram story kahapon. Dalawang pictures ito, pero ang nagpa-trend sa kanyang IG story ay ‘yung isa sa mga posts niya na piktyur ng graffiti ng mukha nina VP Leni Robredo at Senator Francis “Kiko” Pangilinan.


Sina VP Leni at Sen. Kiko ay magka-tandem sa nalalapit na May elections bilang presidential at vice-presidential aspirants.


Sa unang pagkakataon ay hayagang ipinaalam na raw ni Nadine ang kanyang suporta kina VP Leni at Sen. Kiko.


“Nadine Lustre said LET LENI LEAD”

“Nadine Lustre said VOTE BETTER! She also said VOTE for LENI ROBREDO for President.”


May mga fans si Nadine na nag-alala na i-bash ang kanilang idolo at buhayin ang past issues sa aktres.


“Maraming magagalit at ibabalik ang issues na naman ni Nadine kahit irrelevant, AHAHAHAHA! Go kakampinks!”


Kabilang sa mga isyu na tinutukoy ng mga netizens kay Nadine ay kondisyon ng kanyang mental health, demandahan nila ng Viva Films at hiwalayan nila ng ex-boyfriend na si James Reid.


“Ganu’n talaga ‘pag nawalan ng pangkabuhayan... hahahaha!” hirit ng isa.


Hindi naman ‘yan true. Katunayan, nagpapatayo na ng bahay si Nadine sa Siargao at may ginagawa na siyang project sa Viva.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page