Landslide sumikwat ng panalo sa Rating Based
- BULGAR
- May 19, 2023
- 2 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | May 19, 2023
Nagpasikat si Landslide noong Linggo matapos sikwatin ang panalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City sa Batangas.
Umarangkada sa largahan si Ambisioso pero hindi siya pinalayo ni Landslide, tinutukan lang nito hanggang far turn bago nagtangkang kumapit para agawin ang unahan.
Pagdating ng huling kurbada ay nagkapanabayan na sina Ambisioso na nasa gitna, Tugatog na dumaan sa tabing balya at Landslide na nasa bandang labas.
Mainit na bakbakan ang nasilayan ng mga karerista sa rektahan dahil nagwagi si Landslide na leeg lang ang pagitan sa pumangalawang si Ambisioso.
"Ang galing talaga ni Landslide, matapang sa laban maalagaan lang ng maganda mag-uumento pa ang kanyang husay," saad ni Carlito Vasquez, veteran karerista.
Nirendahan ni Jomer Estorque, inirehistro ni landslide ang tiyempong 1:24.6 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Leonardo Lavier Jr. ang P10,000 added prize.
Tersero si Euroclydon habang pumang-apat si Electrify sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Samantala, may walong karera ang ilalarga ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes kaya masaya na naman ang mga karerista sa kanilang pananaya.
Tiyak na maganda rin ang lineup ng mga kabayo bukas (Sabado) at sa Linggo na ikak
asa rin sa parehong lugar.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Nevada Scout (8), Red Hawk (3), Headstrong (2)
Race 2 - Rockaway (12), My Dad Bogart (1), Basket Of Gold (9)
Race 3 - May Ten/Arrogante (7/7A), Early Bird (5), Raxa Bago (6)
Race 4 - Since When (8), Spoiled Brat (9), Jawo (14)
Race 5 - Mano Po/Full Control (3/3A), Jean Genie (4)
Race 6 - Air Class (5), Chef Cat (7), Speak Easy (9)
Race 7 - Wild Act (5), Easy Landing (8), Amelia (2)
Race 8 - Love Radio (13), Space Jam (14),Lucky Noh Noh (1)





Comments