top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Landian, ibinuking ng ex ng aktor… KELVIN AT KIRA, IBOBOYKOT NG FANS SA PAGIGING CHEATER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 6, 2023
  • 2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | January 6, 2023




Isinama ng mga netizens sa listahan ng mga "cheater" daw si Kelvin Miranda dahil kahit may girlfriend, nagpi-flirt pa rin kay Kira Balinger na kapareha niya sa pelikulang Chances Are You and I.


Ibinuking ang nasabing flirting session nina Kelvin at Kira ng ex-GF ng aktor na si Roselle Vytiaco sa inilabas na sunud-sunod na screenshot ng convo nina Kelvin at Kira.


Pati ang video ng New Year’s greetings ni Kira kay Kelvin, inilabas din ni Roselle. Ang daming convo nina Kelvin at Kira na inilabas ni Roselle, bagay na handa naman yatang harapin ni Kelvin ang consequences dahil hindi siya nag-o-off ng comment box ng kanyang Instagram kahit sinugod na siya ng mga bashers.


Si Kira ang nag-off ng comment box, pero sa open na comment box ng kanyang IG, doon nagko-comment ang mga netizens at hindi rin maganda ang kanilang sinasabi tungkol sa kanya. Kaya ayun, nakikipag-agawan sila ni Kelvin sa attention ng mga netizens na hindi pa maka-move on sa isyu nina McCoy de Leon, Elisse Joson at Mary Joy Santiago, heto't may bagong isyu na naman.


Sa kuwento ni Roselle, dapat ay noong December 23 ang first anniversary nila ni Kelvin.


Hindi sila nakapag-celebrate dahil nasa locked-in shooting ng nabanggit naming pelikula si Kelvin.


Sinabi rin daw ni Kelvin na bigyan siya ng space para makapag-focus sa trabaho, kaya hindi niya ginulo ang aktor at mag-uusap daw sila paglabas nito sa locked-in shooting.


Sa kuwento pa rin ni Roselle, sa anniversary nila personal na nakipag-break sa kanya si Kelvin dahil pumunta siya sa Baguio.


At least, inamin ni Kelvin na hindi na siya attracted kay Roselle at attracted na siya sa iba, hindi siya iniwan sa ere. After that, hindi na raw siya naghabol.


Patuloy ni Roselle, nalaman niyang matagal nang nagpi-flirt sa set sina Kelvin at Kira at itinuloy sa text. Pati kung paano nakuha ni Roselle ang screenshot ng convo nina Kelvin at Kira, ikinuwento rin niya.


Maganda si Roselle. Commercial model pala ito at puwede siyang artista. Paano kaya ‘pag kinuha siya ng GMA para magkasama sila ni Kelvin?


Hindi lang umabot sa one year ang relasyon nila ni Kelvin dahil nag-break nga.


Magandang tinanggap niyang wala na sila ni Kelvin, kaya lang, ibinuking naman niya ang flirting nito at ni Kira na pinaniniwalaan ng mga netizens na mauuwi sa relasyon o baka nga sila na. Hopefully, hindi nila i-deny.


May mga fans na nagsabing hindi na nila panonoorin ang Unica Hija ng GMA-7 na kasama si Kelvin sa cast. Hindi rin daw nila panonoorin ang movie nina Kelvin at Kira na ayaw naming paniwalaan. Curious na nga kay Kelvin ang hindi pa nakakakilala sa kanya at tiyak, watch nila ang afternoon soap ng GMA at watch din nila ang movie ng Pocket Media Films sa direction ni Catherine Camarillo na this year daw ang showing.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page