top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Lalong yumabang si Roque nang masama sa senatorial line-up ng team Duterte

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 13, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 13, 2021



ROQUE, MAS LALONG YUMABANG NANG MASAMA SA SENATORIAL LINE-UP NG TEAM DUTERTE--Araw-araw ay maraming nadadale ng COVID-19 sa bansa at ayon sa mga doktor, dapat mag-hard lockdown na dahil paniguradong mas marami pa ang mamamatay sa mga pasyente kapag nag-collapse ang mga ospital, pero imbes na ipaliwanag nang maayos ni Presidential spokesman Harry Roque ang stand ng gobyerno kung bakit ayaw nang mag-lockdown ay paninigaw, panduduro at pambabastos ang itinugon nito sa mga health workers.


Mantakin nyo, ang mga doktor at health workers ang frontliners sa laban kontra COVID-19, buhay ang kanilang itinataya para sa pandemya, tapos kung taray-tarayan sila ni Roque ay ganun-ganun na lang.


'Yan si Roque, mula nang maging presidential spokesman ay tumaas ang ere, at mas lalo pang yumabang nang masama sa senatorial line-up ng team Duterte, pwe!


◘◘◘


HINDI SAPAT ANG "SORRY" NI ROQUE, DAPAT SIYANG MASIBAK--Bagama’t nag-sorry na si Roque sa pambabastos nito sa mga health workers, hindi ito matanggap-tanggap ng publiko, partikular ng mga health workers.


Ang nais ng majority Pinoys ay mag-resign siya sa puwesto bilang kabayaran sa masamang inasal ito at hindi siya naging magandang ehemplo sa taumbayan, lalo na sa kabataan, period!


◘◘◘


WALA NANG BUDGET PANG-AYUDA SA MGA PINOY, PERO SAGANA SA BILYONES NA BUDGET ANG PHARMALLY--Ang stand ng Duterte gov't. ay kahit maraming tinatamaan ng COVID-19 ay ibalik sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon, at granular lockdown na lang ang ipairal para magbukas na ang mga negosyo at makapaghanapbuhay ang mga tao para hindi magutom.


Sa totoo lang, kaya ayaw na mag-lockdown ng Duterte gov't. kasi wala na silang budget pang-ayuda, pero ang nakadidismaya lang, sa Pharmally Inc. na pag-aari ng mga wanted sa Taiwan sa kasong fraud na may konek kay Yang Hong Ming, aka Michael Yang ay sagana sa bilyun-bilyong pisong budget ng pambili ng mga overpriced na medical supllies, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page