top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lalo 'pag siya raw ang nauna… JAKE, 'DI MAGPAPAUBAYA SA MGA UTOL PAGDATING SA BABAE

BULGAR
Jun 25, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | June 25, 2022


“I don’t think about it. I’m okay with where I am now. I’m content with Ellie, so not in the near future,” ang sagot ni Jake Ejercito sa tanong namin kung kailan siya bubuo ng pamilya kasama ang anak na si Ellie na 11 years old na ngayon.


Nakatsikahan namin si Jake sa ginanap na virtual mediacon para sa seryeng A Family Affair na mapapanood na simula sa Lunes, Hunyo 27, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TV5 mula sa direksiyon nina Jerome Pobocan at Raymund Ocampo.


Matagal na kasing loveless ang ama ni Ellie at wala na kaming nabalitaang serious girlfriend nito simula nang magkahiwalay sila ng ina ng anak na si Andi Eigenmann na may sarili nang pamilya ngayon.


Marahil inuuna munang mag-ipon ni Jake para sa future ng anak habang marami siyang offers ngayon lalo na’t isa siya sa pinakamaiinit na aktor ngayon sa showbiz dahil sunud-sunod ang programa niya.


Pagkatapos ng series na Marry Me, Marry You ay napanood siya sa The Broken Marriage Vow na nagtapos na kagabi, Biyernes. At sa Lunes, sa A Family Affair ay makakasama naman niya sina Gerald Anderson, Jameson Blake, Sam Milby at Ivana Alawi.


“I feel very fortunate. Kapag naman may mga dumarating na offer or project, I always take it as a challenge. I take it as an opportunity to better my craft and to learn from my co-actors, lalo na ngayon, kasama ko sina Sam, Gerald, Jameson and Ivana. Lahat kami, nabibigyan ng spotlight and very enjoyable to do,” say ng aktor.


Tinanong namin kung ano ang nagpa-oo sa kanya para tanggapin ang A Family Affair.

“Oh easy the script! I think on the first week, it’s really a page-turner. Hanggang ngayon, 'pag nagbabasa kami ni Jameson, kasi we’re roommates, ‘Bro, nabasa mo na ‘to?’ Grabe, ang lala every week, kahit kami, nagugulat," saad ni Jake.


Base sa trailer ng serye ay kakaiba ang karakter ni Jake as Seb Estrella dahil topless siya, na malayo kumpara sa dalawang nauna niyang serye. At nagulat din pala ang nanay niyang si Laarni Enriquez sa kanyang role.


“'Yung reaction ng mom ko, lalo na sa trailer, nagulat siya. Kasi I didn’t tell her about it, eh, kung paano ‘yung character ko. Sabi ko lang, playboy, so noong nakita niya that specific scene na nasama sa trailer, nagulat din siya. But she’s excited kasi talagang Seb Estrella.”


Hirit pa naming hypothetical question na ibinato namin kay Jake, kung sakaling iisang babae ang gusto nilang magkakapatid ay magpaparaya ba siya o ipaglalaban niya ito?


“There’s a lot of things to consider, of course! Pero kung ako ‘yung nauna, bakit ako magpaparaya? True, true, yeah!” nakangiting saad nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page