Lalaki, todas sa suntok ng katrabaho

by Levi Gonzales @News | November 23, 2026

Photo: File
Patay ang isang construction worker matapos makipagsuntukan sa kapwa trabahador habang nag-iinuman sa kanilang barracks sa Greenwoods Executive, Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal.
Kinilala ang biktima na si “Jomar,” mason/carpenter, habang ang suspek ay si “Remon,” 35.
Ayon sa imbestigasyon, alas-8 ng gabi nang mauwi sa suntukan ang pagtatalo ng dalawa. Sinubukan silang awatin ng isang kasamahan ngunit hindi ito nagtagumpay kaya humingi ng tulong sa mga security guard.
Pagdating ng mga guwardiya, wala nang buhay ang biktima. Naaresto naman ang suspek na nasa kustodiya na ng pulisya at nahaharap sa kaukulang kaso.





Comments