top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Lakers, Warriors at Celtics, nagpatibay

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 27, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 27, 2022



Bumalik sa aksyon si LeBron James at tinulungan ang bisitang Los Angeles Lakers sa 105-94 panalo sa San Antonio Spurs sa pagpapatuloy ng NBA kahapon mula sa AT&T Center. Lamang sa buong 48 minuto ang Lakers para umangat sa 6-11 at lampasan ang 6-14 Spurs para sa ika-13 puwesto sa Western Conference.


Naramdam agad ang presensya ni James at siya ang nagbigay ng pinakamalaking lamang ng Lakers, 59-39, bago magsara ang 2nd quarter. Iyon ang pang-6 niyang puntos at dumagdag pa ng 12 sa 2nd half para sa 21 puntos at sundan si Anthony Davis na may 25 puntos 15 rebounds.


Pinantay ng World Champion Golden State Warriors ang kartada sa 10-10 matapos patumbahin ang bisitang Utah Jazz, 129-118. Isang beses lang umabante ang Jazz, 71-70, sa mga shoot nina Jordan Clarkson at Lauri Markkanen noong 3rd quarter at walang nakapigil sa arangkada ng Warriors mula roon.


Pumukol ng anim na tres si Stephen Curry patungo sa 33 puntos at sinuportahan nina Klay Thompson at Andrew Wiggins na parehong may 20 puntos. Nagtapos na may 24 puntos si Markkanen habang 21 puntos at 10 assist si Clarkson.


Pinatatag ng Boston Celtics ang kanilang estado bilang numero unong koponan sa buong NBA at binigo ang bisitang Sacramento Kings 122-104. Nanatili ang agwat ng Celtics sa pangalawa at naghahabol na Milwaukee Bucks na nanaig sa Cleveland Cavaliers, 128-122.


Uminit ang shooting ni kabayan Jalen Green at hinatak niya ang kulelat na Houston Rockets kontra Atlanta Hawks, 128-122. Nagtala si Green ng 30 puntos upang mapawalang bisa ang 44 puntos ni Trae Young at 39 mula kay Dejounte Murray.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page