top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Lakers, lumakas vs. Warriors, Kings, nanaig sa Mavs sa OT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 13, 2023
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | February 13, 2023



Nagpakilala ng mabuti ang mga pinakabagong Los Angeles Lakers upang gulatin ang World Champion Golden State Warriors, 109-103, at putulin ang kanilang tatlong magkasunod na talo sa NBA kahapon sa Chase Center. Dumaan sa overtime ang Sacramento Kings bago manaig sa bisitang Dallas Mavericks, 133-128.


Ginunita ni D’Angelo Russell ang pagbabalik niya sa Lakers, ang una niyang koponan mula 2015 hanggang 2017, sa pagbuhos ng 15 puntos at agawin ang 98-96 lamang na may 5:38 sa laro. Mula roon ay nagtrabaho si Dennis Schroder at ipinasok ang mahalagang 4 na puntos sa huling minuto upang mapreserba ang panalo.


Nanguna si Schroder na may 26 puntos habang pinalitan ni Rui Hachimura ang lumiban na si LeBron James sa first five at gumawa ng 16 puntos. Double-double si Anthony Davis na 13 puntos at 16 rebound at solido ang bagong sentrong si Jared Vanderbilt na may 12 puntos sa 17 minuto.


Sumandal ang Kings sa anim na free throw ni All-Star De’Aaron Fox sa huling 18 segundo at masayang ang unang laro ng tambalan nina Luka Doncic at bagong Mavs Kyrie Irving.


Pinatibay ni Fox ang dahilan na maglaro siya sa All-Star Game sa 14 ng kanyang 36 puntos sa overtime.


Sa ibang mga laro, nag-shoot ng tig-dalawang free throw sina Joel Embiid at James Harden sa huling limang segundo upang makamit ng Philadelphia 76ers ang 101-98 tagumpay sa Brooklyn Nets. Itinala ni MVP Nikola Jokic ang kanyang ika-20 triple double ng taon na 30 puntos, 16 rebound at 10 assist sa 119-105 panalo ng kanyang Denver Nuggets sa Charlotte Hornets.


Sabay uminit sina Jalen Brunson para sa 38 at Julius Randle para sa 31 puntos at nanaig ang New York Knicks sa bisitang Utah Jazz, 126-120.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page