top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Lakers humabol sa Semis, Kings, tabla pa sa Warriors

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 30, 2023
1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | April 30, 2023



Kakaibang kamandag ang inilabas ng Los Angeles Lakers at winakas ang kampanya ng Memphis Grizzlies, 125-85, sa 2023 NBA Playoffs kahapon sa Crypto.com Arena.


Maghihintay pa ng kalaro ang Lakers sa Western Conference Semifinals at itinabla sa 3-3 ng Sacramento Kings ang serye sa World Champion Golden State Warriors, 118-99.


Nanigurado ang Lakers at nakaiwas ng Game Seven sa tahanan ng Grizzlies at binura ang 9-5 lamang ng Memphis at kunin ang first quarter, 31-20. Mula doon ay sumandal sila sa beteranong tambalan nina LeBron James at Anthony Davis subalit malaki ang ambag ni D’Angelo Russell.


Nagtapos si Russell na may 31 puntos habang may 22 si LBJ para tapusin ang seryeng best-of-seven, 4-2. Double-double si Davis na 16 puntos, 15 rebound at limang tapal at walang nagawa ang mga malalaki ng Grizzlies.


Nahuli ng Kings na malamya ang laro ng Warriors at hindi nag-aksaya ng panahon sa matinding second quarter. Doon bumanat ang mga reserba sa pangunguna ni Malik Monk at ang sorpresang bunot na si Trey Lyles na parehong gumawa ng siyam na puntos para sa 58-51 halftime at hindi na nila binitawan ito.


Tiniis ni Clutch Player of the Year De’Aaron Fox ang maglaro na bali ang hintuturo at nagsumite ng 16 ng kanyang 26 puntos sa second half na may kasamang 11 assist.

Ang Game Seven ay gaganapin sa Lunes ng madaling araw, oras sa Pilipinas, sa Golden 1 Center na isa at kalahating oras na pagmamaneho o 138 kilometro mula Chase Center.


Kasabay nito ang simula ng Eastern Conference Semifinals sa pagitan ng New York Knicks at bisitang Miami Heat sa Madison Square Garden.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page