top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Lakers at Suns dumikit sa Semis, Phila 76ers swak sa 2nd round

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 24, 2023
1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | April 24, 2023




Lumapit ang Los Angeles Lakers at Phoenix Suns sa Western Conference Semifinals matapos magwagi kahapon sa bihirang pagkakataon na may dalawang laro sa NBA Playoffs sa isang araw sa parehong palaruan na Crypto.com Arena. Sa Eastern Conference, pasok na ang Philadelphia 76ers sa semis at winalis ang Brooklyn Nets, 96-88.


Wagi ang Lakers sa Memphis Grizzlies sa tampok na laro sa gabi, 111-101, para lumamang sa seryeng best-of-seven, 2-1. Nilimitahan ng depensa ang Grizzlies sa 9 na puntos lang sa first quarter at ilang beses umabot ng 29 ang lamang ng Lakers sa 2nd quarter.


Bumida si Anthony Davis sa 31 puntos at 17 rebound. Bumalik galing sa pilay na kamay si Ja Morant at nagsabog ng 45 puntos subalit hindi ito sapat at lalong nahirapan ang Memphis nang palabasin sa laro si Dillon Brooks matapos suntukin sa maselang bahagi ng katawan si LeBron James 17 segundo pa lang ang lumipas sa third quarter.


Hindi pinalad ang LA Clippers at yumuko sa pangatlong sunod sa Suns sa naunang laro sa tanghali, 112-100. Walang nakapigil sa tambalang Kevin Durant na nagtala ng 31 puntos at 11 rebound at Devin Booker na may 30 para sa 3-1 lamang sa serye.


Hihintayin ng 76ers ang mananaig sa serye ng Boston Celtics at Atlanta Hawks kung saan lamang ang Celtics, 2-1. Kahit wala si Joel Embiid bunga ng masakit na tuhod, tinakpan ito nina Tobias Harris na may 25 puntos at 12 rebound at James Harden na may 17 puntos at 11 assist para wakasan ang serye, 4-0.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page