top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lakas daw ng dating, 'di boring… NADINE, MAS MAY 'K' KAY LIZA SA HOLLYWOOD

BULGAR
Jun 23, 2022
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 23, 2022



May magandang plano umano si James Reid sa international career ng mga talents niya under Careless Management na pag-aari ng Fil-Am actor at kasama rito ang ex niyang si Nadine Lustre at sina Liza Soberano at Issa Pressman, younger sister ni Yassi Pressman.

Si Liza, last Monday lang pumirma ng kontrata sa CM, ganu'n din si Issa, samantalang si Nadine ay matagal na.


Sabi nga ni Nadine, willing siyang makatrabaho ang girlfriend ni Enrique Gil na si Liza.

Pero ang madlang pipol, mukhang nega ang feedback sa pangarap ni Liza na magkaroon ng Hollywood career.


Sabi ng isang netizen, "Feeling ko, waley din mangyayari sa Hollywood dream ni Liza."


May nagsasabi naman na, "Si Charice (Pempengco) lang ang naka-penetrate sa Hollywood at 'di naman sina James Reid et. al. ang humawak sa kanya. In short, wala pang napapatunayan sina James sa Hollywood, maging sa Pilipinas. It's like the blind leading the blind."


"Agree. Sayang talaga si Charice."


"Dito nga, 'di mag-land, sa Hollywood pa?"


"I think there is someone behind James. Hindi naman siguro nawala na sa katinuan 'tong mga girls at parang mag-career suicide sa paglipat d'yan."


May nagkomento rin na sana raw ay pinag-isipang mabuti ni Liza ang kanyang naging desisyon na magpa-manage kay James.


"Before nag-yes si Liza sa management ni James, sana, pinag-isipan niya nang mabuti kasi wala pang napasikat si James sa mga talents niya or make it to Hollywood. Sana, US-based agency siya pumirma."


Request naman ng isang netizen, "Ipag-produce niya (James) kaya ng GL (girl's love) series or movie sina Nadine and Liza, panonoorin ko 'yan."


Pinansin naman ng isa ang outfit ni James.


"Ba't ganyan outfit-an ni James lately, nagpapaka-trying hard US manager aura, 'kaloka. Sarili nga niya, walang mapatunayan, sa iba pa kaya?"


Kuda naman ng isang netizen, mukhang mas makaka-penetrate pa sa Hollywood si Nadine kesa kay Liza.


"I like the way that Nadine seems to be grounded and not too ambitious. She’s happy to have projects in the Philippines. Reality is Nadine have more chances in making it in Hollywood than Liza. She exudes more confidence and more daring in everything compared to Liza who seems to be timid and boring."


"Yeah, at Pinay na Pinay ang dating ni Nadine. Pansin ko kasi, 'pag Asian, mas nakikilala, 'yung klarung-klaro talaga 'yung race. 'Yung unang tingin pa lang, masasabi mo nang 'Ah, Pinoy 'to. Ah, Korean 'to. Ah, Chinese 'to.' Something like that, hehe."


"I'm not Nadine's fan pero ang in sa Hollywood ngayon ay 'yung may accent at non-westerner ang beauty o something na 'di lang magbe-blend sa mga puti. Nadine is still tied to her contract sa Viva kaya siguro 'di makakilos 'yan. Liza, I doubt she'll stand out. She's a plain Jane sa Hollywood. I agree... Malaki ang chance ni Nadine mag-stand out sa Hollywood. Let's see 'pag natapos contract niya with Viva. Ang tano'ng, kelan. But she should change her hair color, sobrang chaka niya d'yan."


Joke ba ang komento ng isang ito, "Careless kasi ang name ng business, 'di kaya parang negative ang dating? Eh, 'di ba, meaning ng careless ay 'walang pag-iingat'? So, walang ingat sa pagma-manage. Wala lang nasabi lang, hahahaha!"


Anyway, i-good luck na lang natin ang international career ng tatlong female celebrities na alaga ni James Reid.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page