Lakan Takhan, sa Turf mapapalaban
ni Green Lantern - @Renda at Latigo |December 16, 2022
Masusubukan ang husay ni Lakan Takhan pagsabak nito sa Condition Race (23) na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, ngayong araw.
Gagabayan ni jockey RM Flores, inaasahang mapapalaban si Lakan Takhan sa kalahok na Viscerion at Sweet Luck sa distansiyang 1,200 meter race.
"Kailangan dalawa hanggang tatlo ang piliin kapag tataya ng winner take all, kasi mahirap na laban yan, kahit sino puwedeng manalo," sabi ni Carlito Legaspi, veteran karerista.
Ang ibang kalahok sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ay sina Konzeelanz, Riches Lumbangan, Gensan Special at Magnitude Eight.
Nakalaan ang added prize na P10,000 para sa winning horse owner.
Samantala, pitong races ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes kaya paniguradong masaya ang mga karerista sa kanilang pananaya.
Isa pang aabangan ng mga karerista ang bakbakan ng walong tigasing batang kabayo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na pakakawalan sa pangalawang karera.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Lakan Takhan (5), Sweet Luck (6)
Race 2 - Advocacy/Gugma (3/3A), Sakalam (4)
Race 3 - Greatest Joy (4), Awesome Cole (1)
Race 4 - Maasahan (1), Smiling Lady (1), Nganga Bell (6)
Race 5 - Manang Biday (7), Sun Moon Lake (3)
Race 6 - Hiroshima (4), No Problem (1), Hugo Bozz (2)
Race 7 - Yes Kitty (4), Princess Belle (3), Awesome Julliane (9)





Comments