Lakad nang lakad sa Roxas Blvd., napansin…SOLIMAN CRUZ, BIDA SA INTERNATIONAL MOVIE NA KUKUNAN SA
- BULGAR
- Mar 16, 2021
- 2 min read
ROMANIA AT GREECE
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | March 16, 2021

Sino'ng mag-aakalang from an ultimate character actor, going international na ang beteranong kontrabidang si Soliman Cruz?
Agad na ibinalita ni Ferdy Lapuz, manager ni Soliman, sa PEP's Cabinet Files na napili ang talent niya bilang bida sa To The North na isu-shoot sa Romania at Greece at kung walang aberya dulot nitong strict travel protocols, natuloy na kahapon (Lunes, March 15) ang biyahe ng character actor sa Romania.
Si Soliman ang personal choice ng Romanian director na si Mihai Mincan para magbida sa To The North (working title), ang pelikulang tungkol sa Romanian stowaway sa isang transatlantic ship.
Ayon kay Ferdy, napanood ng director na si Mincan ang performance ni Soliman bilang Wakwak sa Norte: Hangganan ng Kasaysayan, ang 2013 movie ng award-winning director na si Lav Diaz at dito nakumbinse ang Romanian director na tugma sa kanyang karakter ang gagampanang role.
Nabasa rin ni Mincan ang interesting CNN Philippines article tungkol sa makulay na life story ni Soliman na isinulat ni Shirin Bhandari noong April, 2018 kung saa'y makikitang naglalakad lang at nagpalabuy-laboy sa Roxas Boulevard noon si Sol, at na-feature sa iba't ibang shows.
Mula rin sa artikulo ni Bhandari, kanyang naibahagi na, "His time spent homeless on the boulevard was by choice to further his craft."
Dito rin sinabi ni Soliman na, "Addiction is a disease," at sa panayam ding 'yun, nasabi niyang rehabilitated na siya at napagtagumpayan na ang pakikipaglaban sa ipinagbabawal na gamot.
Mabuti naman at agad niyang napagtagumpayan ang pagbangon sa masamang bisyo, hindi gaya ng morenong aktor na isa rin sa pinakamagagaling sa pag-arte pero nakaranas ng ganitong problema kesehodang naglalakad sa kalye na parang tulala at wala sa sarili subali't nananatiling lugmok pa rin umano ang buhay at career.
Anyway, gagampanan ni Soliman ang malaki at mahalagang role ng isang religious Filipino sailor at ang German-Romanian actor na si Niko Becker ang young stowaway sa movie project na may 29 shooting days at kukunan ang mga eksena sa ports ng Romania at Greece.
Isang malaking sorpresa at blessing para kina Soliman at Ferdy ang alok ni Mincan dahil hindi nila akalain na darating ang isang maganda at malaking offer sa panahon ng pandemya.
"Alam mo naman bihira ang offer na ganito. Upon the offer, no questions asked kahit talent fee o role, tinanggap namin. Hindi namin ine-expect na bida siya," ani Ferdy.
Halos tatlong buwang mawawala si Soliman dahil sa unang linggo ng June, 2021 pa siya babalik ng 'Pinas.





Comments