top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Lahat ng sektor, dapat nagtutulungan para tugunan ang unemployment rate

BULGAR
Jun 13, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | June 13, 2021


Ika-18 anibersaryo ng kasal namin ng aking misis kahapon.


Ang dalawang librang ginto na iniregalo sa amin ni Lord, 17 taon na ang nakararaan ay lumago tungo sa 140 kilogramo.


Salamat sa Diyos!

◘◘◘


NOONG Lunes, nabiyayaan kaming mag-asawa ng ikalawang dose o full dose ng AstraZeneca sa GigaVaccination sa MOA.


Nagpapasalamat tayo sa Pasay City government!


◘◘◘


MULA nang lumagay tayo sa tahimik noong 2003 ay nakapanirahan kami sa Pasay City kung saan ako bininyagan, 63 taon na ang nakararaan.


Matiwasay sa Pasay, taliwas sa ibang lugar sa Metro Manila!


◘◘◘


IKINATUTUWA natin na isang grupo ng mga business leader na naglunsad ng Sulong Pasay.

Ipinundar ito ng mga pilantropong sina PhilExport President Mr. Sergio Ortiz- Luis, Jr., Ambassador Benedicto Yujuico ng PCCI) at George Barcelon ng BDO.


Kasama rin sina PSE Chair Jose Pardo at dating Tourism Secretary Mina Gabor!


◘◘◘


NAIS ng grupo na makipagtulungan sa local government upang makaakit ng mga local at foreign investor.


Siyempre, ikinatuwa ito ni Mayor Emi Calixto-Rubiano dahil lalong aangat ang Pasay!


◘◘◘

WALANG pagkakaiba ang Sulong Pasay sa Sulong Pilipinas na nakatuon sa balikatan ng pribado at publikong sektor.


Sa totoo lang, kaliwa’t kanan ang nakasaradong negosyo sa Pasay at iba pang lugar sa NCR.

Pumalo ang unemployment rate sa NCR sa 14.4 percent sa buwan ng Abril.


Mas malala pa ito kumpara noong Abril 2020 na 12.3 percent lamang!


◘◘◘


MAHALAGANG magtulungan ang lahat ng sektor.


Nasa 8.7 percent ang unemployment rate noong Abril at umakyat pa ang underemployment rate sa 17.2 percent!


◘◘◘


SINABI ni Barcelon na sa pamamagitan ng Sulong Pasay ay mas mapabibilis na ang proseso ng pagnenegosyo sa siyudad.


Inirereklamo ang red tape o mabagal na proseso at koordinasyon sa pagbubukas ng negosyo!


◘◘◘


TINIYAK ni Mayora Emi na handa na ibigay ang lahat ng suporta sa mga negosyante.

Sana’y hindi maging ningas-kugon ang Sulong Pasay sa gitna ng pandemic.


Huwag sana silang aatras!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page