Lahat ng rehiyon sa bansa, low risk na sa COVID-19
ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | November 25, 2021
Ayon sa Department of Health, nasa minimal to low risk na sa COVID-19 ang lahat ng rehiyon sa bansa.
“All regions are now at minimal to low risk case classification with negative two-week growth rates and average daily attack rates less than seven per 100,000 population,” ani DOH Usec. Maria Rosario Vergeire nitong Lunes.
Tanaw na ang pag-asa ng muli nating pagbangon, ngunit kailangang ulit-ulitin na patuloy tayong maging masigasig sa pag-obserba ng minimum health protocols nang maiwasan ang nangyayari sa ibang bansa na nagkaroon ng surge dahil sa pag-relax sa mobility restrictions.
☻☻☻
Kailangang patuloy din ang pagbabakuna sa mga kababayan natin.
Sa layuning ito, kasado na ang 3-day national vaccination drive mula Nov. 29- Dec. 1.
Nasa 32.9 milyon na ang mga kababayan nating fully-vaccinated.
Nasa 54 milyong Pilipino ang planong mabakunahan sa pagtatapos ng taon, at hanggang 77 milyon sa 1st quarter ng 2022. 15 milyon naman ang target na mabakunahan sa national vaccination drive.
☻☻☻
Matindi ang logistics at iba pang requirement para sa 3-day event na ito. Halimbawa, ayon sa DOH ay nasa 160,000 volunteers ang kinailangan.
Magsisilbi ang mga ito na health screeners, vaccinators, post-vaccination monitoring personnel, health educators, registration personnel, data consolidators, at encoders.
Bawal ang pabigat, kaya’t umaasa tayong magtutulungan ang lahat ng nasa pamahalaan para masigurong magtatagumpay ang vaccination drive at makakamit ang target nito.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments