Lahat ng partylist na ginawa lang para sa pork barrel, dapat ibasura!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 3, 2020
SA ANIM NA ADMINISTRASYON, NANANATILING NAKATINDIG ANG BULGAR—Kahapon, Dec. 2, 2020, sa simpleng selebrasyon at pagsunod sa health protocol ay naidaos ang ika-29-taong anibersaryo ng pahayagang BULGAR.
Mula noong panahon ng panunungkulan ng mga dating pangulo na sina Cory, FVR, Erap, GMA, Noynoy at Duterte, nandito pa rin ang BULGAR, Boses ng Pinoy, Mata ng Bayan!
Sa lahat ng sumusuporta sa BULGAR, maraming salamat po!
◘◘◘
BULGAR, MATATAG, MATAPANG, MALAKAS AT KASAMA NG PILIPINO SA PAGBANGON KONTRA COVID-19—Sa panahon ng bagyo, baha, lindol at iba pang kalamidad, nakatindig ang BULGAR.
At sa panahon ngayong ng COVID-19 pandemic na puminsala sa mundo, nakatindig pa rin ito.
‘Yan ang BULGAR, matatag, matapang, malakas, na kaisa at kasama ng sambayanang Pilipino sa pagbangon sa laban kontra perhuwisyong COVID-19, period!
◘◘◘
HINDI LANG MAKABAYAN BLOC, DAPAT PATI PARTYLIST NG MGA TRAPO IBASURA NA—Sabi ni National Security Adviser, ret. Gen. Hermogenes Esperon, lahat daw ng paraan ay gagawin ng gobyerno para madiskuwalipika na at hindi na makalahok sa 2022 elections ang mga partylist ng Makabayan bloc, tulad ng Bayan Muna, Gabriela, ACT, Kabataan at iba pa, dahil front daw ang mga ito ng komunista.
Eh, ‘yung mga partylist na front ng mga magkakamag-anak na trapo (traditional politician), na ang feeling nila ay family corporation nila ang mga itinatag nilang partylist kasi wala namang nire-represent na marginalized sector ang mga ito, wala bang plano ang Duterte gov’t. na ipadiskuwalipika rin ang mga ito? Abangan!
◘◘◘
PARTYLIST NG PAMILYA NG MGA TRAPO, ITINATAG PARA MAGKA-PORK BARREL—Kung desidido ang Duterte gov’t. na gamitin ang power nito para hindi na maka-join sa election ang mga partylist ng Makabayan bloc, sana lahatin na, ibig sabihin, dapat lahat na ng partylist ay huwag nang payagang tumakbo sa 2022 election.
Sa totoo lang, ang ilan sa pamilya ng mga trapo, kaya lang nagtatag ng partylist ay para makatanggap ng pork barrel, buwisit!





Comments