Lahat ng kapamilya, join… KC, OUT SA DESPEDIDA NG UTOL NA SI KAKIE
ni Beth Gelena @Bulgary Files | January 16, 2023

Babalik na ng Tate si Frankie Pangilinan ngayong tapos na ang Holiday Seasons. Balik-iskul ang anak nina Sharon Cuneta at dating Senador Kiko Pangilinan.
Kaya bago umalis si Frankie patungong New York ay nagbigay ng despedida dinner ang Megastar para sa anak. Ibinahagi ni Megastar ang isang video na kuha sa naturang despedida dinner. Hindi ipinagkaila ng singer-actress na nalulungkot siya sa muling pag-alis ni Kakie.
Kumpleto ang Pangilinan family sa despedida maliban kay KC Concepcion.
Ani Sharon: "Dinner for my Kakie. Haaaay…Despedida na naman at aalis na uli siya to study."
Oh, 'wag nang intrigahin dahil parang nasa ibang bansa ang Mega daughter.
Kung nalulungkot man si Sharon sa muling pag-alis ng anak, sabi naman ni Kakie, “I love you, Mommy. Don’t be sad.”





Comments