top of page

Lahat ng bilihin, taas-presyo… TIKET SA SEXBOMB CONCERT, IBABAGSAK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 days ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 27, 2026



Sexbomb

Photo: Instagram / Rochelle Pangilinan



MaramiI ang umaangal ngayon sa mabilis na pagtaas ng presyo ng mga basic needs dulot ng pagtaas ng presyo ng gasolina. Apektado ang lahat ng bilihin sa merkado, at maging sa showbiz ay nararamdaman din ang paghihigpit ng sinturon sa TV at movie production.


Pero bakit sa kabila ng inflation ay pikit-matang bumibili pa rin ng tickets sa Sexbomb Girls reunion concert na RAWnd 6 na at gaganapin sa SMDC Open Grounds? Umaabot sa mahigit P7,000 ang presyo ng VIP tickets.


At kahit saan pa ganapin ang Sexbomb concert at gaano pa kamahal ang tickets, sold-out pa rin ito. 


Pero may good news dahil minabuti ng mga producers na ibaba ang presyo ng tickets ng RAWnd 6 upang mas maraming fans na makapanood.

Grabe pa rin ang impact ng Sexbomb Girls sa publiko.





NA-TURN-OFF daw ang mga fans ng DonBelle (Donny Pangilinan at Belle Mariano) kay Shuvee Etrata dahil sa pagiging open nito sa kanyang paghanga sa aktor. 


Nang makita raw ni Shuvee sa isang event si Donny, kinikilig na lumapit agad ito.

Well, hindi siguro naisip ni Shuvee na isa na rin siyang celebrity at hindi na isang fan lang, kaya dapat ay ilagay niya ang sarili sa tamang lugar. 


Siyempre, nakarating sa mga DonBelle fans ang ginawa niya kaya bina-bash siya ngayon. Inaakusahan pa nga siyang ‘OA’ (overacting) at ‘malandi’, at may balak daw na agawin si Donny kay Belle.


Well, hindi naman masisisi ang aktres dahil nadala lang siguro sa sobra niyang paghanga kay Donny Pangilinan. 


For sure, alam naman ni Shuvee na si Belle Mariano ang ka-love team ng aktor. 

Kailangan na rin sigurong bigyan si Shuvee Etrata ng sarili niyang love team na babagay sa kanya.





NAGSILBING therapy sa host-comedian na si Arnell Ignacio ang pagbubukas niya ng Lugaw Haus sa Marikina City. Dinadayo na ito ngayon at ito ang pinagkakaabalahan niyang i-manage.


Noong nakaraang linggo, nang mag-celebrate siya ng kanyang ika-62 na kaarawan, sinorpresa siya ng kanyang mga non-showbiz friends at binisita siya sa kanyang Lugaw Haus. 


Naging emosyonal si Arnell dahil hindi siya nakalimutan ng kanyang mga long-time friends at dinamayan siya. Hindi siya iniwan ng mga ito sa gitna ng mga pagsubok na kanyang pinagdaraanan.


Dumaranas ngayon ng matinding depression si Ignacio dahil sa kanyang pagkakatanggal sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). 

Maraming OFWs na kanyang natulungan ang nagpahayag ng simpatya at naniniwala na inosente siya sa mga akusasyon sa kanya.


Samantala, marami sa kanyang mga showbiz friends ang nagpapayo na bumalik na siya sa showbiz upang sumigla muli ang kanyang buhay. Mahusay na host-comedian si Arnell Ignacio at naging host siya ng ilang game shows noon sa GMA-7.


Maganda sanang pagsamahin sila ng kanyang BFF na si Ai Ai delas Alas sa isang show dahil tiyak na klik ito sa masang Pinoy. 


Kuwento nga ni Arnell, may ginawa silang low-budget horror movie ni Ai Ai na pinamagatang Mudra Bampira. Produced ito ng kaibigan nilang Pinoy na nasa Japan. Pareho silang gumanap bilang bampira sa naturang pelikula.


Well, isa kami sa mga nagdarasal na sana ay malagpasan ni Arnell Ignacio ang mga pagsubok niya sa buhay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page