Lahat ng artista, welcome… WILLIE, MAY SARILING CHANNEL NA
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | March 15, 2022

Halos isang buwan ding nagpahinga-nanahimik ang Wowowin host na si Willie Revillame, kaya nag-aabang ang kanyang mga tagahanga kung ano ang latest na kaganapan sa kanyang buhay ngayon.
Recently, sa kanyang FB Live ay nabanggit ni Willie ang kanyang mga planong gawin. Na-miss niya nang husto ang kanyang mga viewers.
Sa panahon ng pagbabakasyon niya at pahinga sa telebisyon, maraming bagay siyang na-realize. Hinahanap-hanap pa rin niya ang nakasanayan niyang pagho-host ng show. Nag-iisip siya ng paraan kung paano magri-reach-out sa kanyang mga fans and supporters.
At dito nga ini-announce ni Willie na may sarili na siyang channel, ang Willie Revillame Channel na mapapanood sa kanyang sariling mobile app.
Marami siyang balak na ilagay sa sarili niyang channel. Gusto rin niyang magkaroon ng daily morning show na ang title ay Magandang Morning (tentative).
Balak din niyang magkaroon ng Saturday show na kasamang magdya-jamming sina JR, Kris Lawrence, Michael Pangilinan atbp..
At sabi pa ni Willie, open sa lahat ng artista ang kanyang channel. Welcome ang mga Kapuso, Kapamilya at Kapatid stars, at walang bawal-bawal.
Hindi rin malilimitahan sa oras ang kanyang show. May mga bagong games at pa-contest din. At para sa mga Tiktokers, maghahanap din siya kung sino ang pinakamagagaling na TikTokers na mananalo.





Comments