- BULGAR
Lahat gagawin para sa BF… MAINE, GUSTONG MAG-HOUSE-TO-HOUSE PARA KAY ARJO, HINARANG
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | May 20, 2022

Pagkatapos manalong congressman ang aktor na si Arjo Atayde sa 1st District ng Kyusi, nagpaunlak ng interview si Sylvia Sanchez (Arjo's mom) kay Cristy Fermin sa kanyang radio program sa TV5. Nagpaabot ng pasasalamat si Sylvia sa lahat ng sumuporta at bumoto sa kanyang anak.
Bilang ina, sobrang proud si Ibyang sa tagumpay ni Arjo. Unang sabak ni Arjo sa pulitika pero siya ay tinanggap at hinalal ng mga botante.
Aminado si Sylvia na pader ang nakalaban ni Arjo sa District 1 ng QC. Beterano na sa larangan ng pulitika ang mga Crisologo, pero dahil sa sinsero ang kanyang layunin na makatulong, hindi umurong si Arjo Atayde.
At base sa kuwento ni Sylvia Sanchez, marami ang tumawag-kumausap sa kanila upang huwag nang ituloy ni Arjo ang pagtakbo bilang congressman sa District 1 ng Kyusi. Hindi rin naman daw ito mananalo.
Pero, hindi natakot at hindi umurong si Arjo Atayde. Hindi rin niya ginamit ang GF na si Maine Mendoza para sa kanyang political career.
Noong last leg ng kampanya, si Maine mismo ang nagpilit na mangampanya at sumama sa motorcade ni Arjo. Gusto pa nga ni Maine na mag-house-to-house campaign. Pero for security reasons ay pinigil nila.
Desidido ang congressman-elect na si Arjo na tumutok sa kanyang trabaho ngayon bilang public servant. At hindi muna siya tatanggap ng project kung magiging sagabal sa kanyang paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan. Alam ni Arjo na marami pa siyang dapat na matutunan sa larangan ng pulitika.