Lahar rumagasa, mga kalsada sa Albay, nasira

ni Lolet Abania | October 21, 2020

Rumaragasang lahar mula sa Mayon Volcano ang puminsala sa ilang kalsada sa Guinobatan, Albay dala ng malakas na pagbuhos ng ulan dahil sa Bagyong Pepito.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management (MDRRM) ng nasabing probinsiya, maraming kalsada ang nasira matapos na bumuhos ang mudflow sa lugar at hindi na ito madaanan ng mga motorista.
Subali't ilang residente pa rin ang nagpipilit kahit pa may nakabarang putik sa daraanan.
Nagpalabas na ng anunsiyo ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kaninang umaga sa mga residente na iwasan muna na magtungo sa mga lugar na malapit sa mga batis, ilog at posibleng daraanan ng lahar sakaling bumuhos uli ang ulan.
“Active stream/river channels and those identified as perennially lahar-prone areas on all sectors of the volcano should also be avoided especially during extreme weather conditions when there is heavy and prolonged rainfall,” ayon sa Phivolcs.





Comments