Lagot sa BSP… VICE GANDA, NILAMUKOT ANG P1K BILL, KULONG NG 5 YRS.
- BULGAR

- 5 days ago
- 4 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 19, 2026

Photo: IG _praybeytbenjamin
Ang bongga talaga ni Meme Vice Ganda, nagpaagaw lang naman ng tig-iisang libong piso sa kanyang mga kapamilya at kaibigan!
Sa recently posted vlog ni Vice sa YouTube kung saan ang mga ganap nila sa kanyang 50th birthday celebration sa Amanpulo ang mapapanood, makikita na bukod sa mga party games na inihanda para mas maging masaya ang bonding ng kanilang buong pamilya, nagpaagaw din ng P1,000 bill si Vice.
‘Kaaliw nga dahil pati ang Nanay Rosario ni Vice ay parang gusto ring agawin sa kanya ang hawak na makapal na bungkos ng tig-P1K bill kaya pabiro itong sinabunutan ng Unkabogable Star. Hahaha!
Pero ang napansin lang namin ay ang ginawang paglamukos ni Vice Ganda sa dinukot na P1K bill bago ito ibinato para pag-agawan ng kanyang mga kapamilya at kaibigan.
Kung tama kami sa pagkakaalam namin, ipinagbabawal na gawin ito sa ating perang papel.
Kaya, nag-double check kami sa Google kung may batas bang nalabag si Vice sa paglamukos niya sa P1K bill, at ito nga ang lumabas, “Willful and excessive crumpling or folding of Philippine banknotes—particularly the new 1,000-Piso polymer bills—is prohibited by the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) as it can damage the note's structure and security features. Under Presidential Decree No. 247, such actions, including excessive crumpling that causes limpness or breaking, are considered willful defacement or mutilation.”
At kung mapapatunayang may nalabag na batas si Meme Vice, “Penalties: Violators can be fined up to PHP 20,000 and/or imprisoned for up to five years,” ang nakasaad sa Google.
Maaaring hindi aware si Vice Ganda na may batas tungkol dito or baka naman na-carried away lang siya ng masayang bonding nila at hindi na naisip na ipinagbabawal ang paglamukos sa ating perang papel.
Well, ano nga kaya ang magiging aksiyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas dito kung saka-sakali?
Video, kumalat… MANONG CHAVIT, MAY KA-HOLDING HANDS NA BYUTING BAGETS
PINAGPIYESTAHAN ng mga netizens ang nai-post na video sa Facebook kung saan makikitang habang nakaupo sa isang long table at may mga tila ka-meeting o kausap ang businessman-philanthropist na si dating Ilocos Sur Gov. Luis “Manong Chavit” Singson ay may katabi at ka-holding hands itong isang magandang babae na mukhang teen-ager pa o baka nasa early 20s lang ang edad.
Hindi naman artista ang naturang babae pero sa unang tingin ay kamukha ito ni Sanya Lopez.
Umani agad ng samu’t saring reaksiyon ang posted video. Kung may mga na-happy at na-inspire na sa edad ni Manong Chavit na 84 ay nagka-love life pa rin daw ito, may mga bumatikos ding netizens sa bigtime businessman lalo’t mukhang batambata pa ang girl na kahawak-kamay niya.
Ilan sa mga komentong nabasa namin sa naturang FB post…
“Milyon na ‘yan holding hands pa lang. ‘Di n’yo kaya kahit 5 taon ipunin ‘yan.”
“Inggit pikit”
“Daming inggit at ‘yung mga naiinggit, ‘yung lalaking patay-gutom na tamad, tapos ‘yung mga babaeng p*kp*k na nangangarap guminhawa ‘yung buhay. Hahaha!”
“Maging masaya na lang kayo para sa kanya, ‘di ‘yung inggittt ang puhunan n’yo. Sorry na lang kasi s’ya nagustuhan ng billionaire, puro kayo perfectionista, judgemental. Hayst na lang talaga.”
“‘Pag mayaman, no problem kahit lolo mo na s’ya.”
Pati ang nananahimik na si Jillian Ward na minsan ding na-link kay Manong Chavit ay idinamay pa ng isang netizen sa pagsasabing, “Ayaw kasi ni Jillian Ward, eh.”
Ang harsh naman ng komento ng isa, “Wow! Sorry pero kadiri talaga mga lalaki na ganito katanda! Respeto na lang sana sa sarili mo! Para mo na ‘yang apo.”
Oh, ‘di ba, ang daming bashers ni Manong Chavit?
Bakit ba nang-aano ‘tong mga ‘to? Eh, paano kung friends lang naman sila?
‘Di ba nga, sina Yen Santos at Paolo Contis, nu’ng nakitang magka-holding hands sa Baguio, “friends” lang daw sila?!
Naku, daming mema at inggiterang frog, ha? Hahaha!
Kung si Richard, may Barbie na…
SARAH, MAY KA-DATE NA GUWAPONG FOREIGNER SA MALL SA ROCKWELL
NAGBA-VIRAL din ngayon ang picture naman ni Sarah Lahbati na spotted daw na may kasamang guwapong foreigner sa isang mall sa Rockwell, Makati.
In fairness, hindi nalalayo sa kaguwapuhan ni Richard Gutierrez na estranged husband ni Sarah ‘yung lalaking kasama raw niya. Medyo kulot ang buhok nito pero mestizo rin at matangos ang ilong. Hindi rin nalalayo sa edad ni Sarah ang hitsura ng guy na sinasabing ka-date ng aktres.
Well, kung totoong nakikipag-date na uli si Sarah, deserve naman siguro niyang maging happy lalo’t hindi naman niya hinihingi sa mga bashers ang perang pang-date niya, ‘no?
Saka, happy na rin naman at very open na ngayon sa kanilang relasyon ang estranged hubby niyang si Richard Gutierrez at si Barbie Imperial.
Kumbaga, pareho nang may nagpapasaya sa kanilang puso at ang mahalaga lang naman, hindi sila nagpapabaya at maayos ang co-parenting setup nila sa kanilang dalawang anak na sina Zion at Kai.
Kaya lang, for sure, may mga conservative pa rin tayong kababayan na magsasabing hindi muna dapat nagpapakita si Sarah na may bago na siyang ka-date o karelasyon lalo’t hindi pa annulled ang kasal nila ni Richard.
Dito pa naman sa atin, double standard, kaya okay lang na makitang may ibang babae na ang lalaki, pero ‘pag ang babae ang nakitang may ibang kasamang lalaki, ang tingin agad sa kanya ay masamang babae.
Devah naman?
Hay naku, teka nga, hayaan muna nating si Sarah Lahbati ang sumagot kung nakikipag-date na nga ba siya o ‘friendly date’ lang itey.
Paaak!!!




Comments