top of page

Laglag sa mga nominadong Best Actress… VILMA, JUDAY AT MARIAN, INISNAB NG GAWAD URIAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 6
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 6, 2025



Vilma, Judy Ann at Marian Rivera - IG

Photo: Vilma, Judy Ann at Marian Rivera - IG



Naglanbas na ang Gawad Urian ng mga nominees na maglalaban-laban sa kategoryang Best Actress, Best Actor, Best Supporting Actress, Best Supporting Actor, Best Director, Best Film, atbp.. 


Ang Gawad Urian Awards ay gaganapin sa October 11 sa De La Salle University.

Marami ang nagulat sa mga napiling nominees sa Best Actress dahil wala ang pangalan nina Vilma Santos (Uninvited), Judy Ann Santos (Espantaho) at Marian Rivera (Balota). Silang tatlo pa naman ang matunog at ine-expect na mananalong Best Actress sa 48th Gawad Urian. 


Well, maraming fans ni Marian Rivera ang umaasa na makukuha ng Kapuso Primetime Queen ang Gawad Urian Best Actress upang maka-grand slam. Itinodo ni Marian ang kanyang effort sa pelikulang Balota


Gayunpaman, maging sina Vilma Santos at Judy Ann Santos ay hindi lumusot sa 48th Gawad Urian at inisnab ang kanilang pelikula. 


Nanalo na ng Best Actress dati sina Ate Vi at Juday sa Gawad Urian Award.

Samantala, ang mga napiling nominees sa Best Actress ng Gawad Urian ay sina Lovi Poe (Guilty Pleasure), Aicelle Santos (Isang Himala), Mylene Dizon (Hearing), Jenaica Sangher (Tumandok), Gabby Padilla (Kono Basho) at Avisa Nakano (Kono Basho).



PAYO ng mga netizens kay Jameson Blake ay dumistansiya muna kay Barbie Forteza. Itago muna nila kung ano man ang status ng relasyon nila ngayon. 


Nagre-react na ang mga BarDa (Barbie at David Licauco) fans at supporters dahil nakakaapekto raw ito sa mga endorsements nina Barbie at David kapag nakikitang magkasama ang aktres at si Jameson na nagpo-post pa sa social media.


Lumalabas na kontrabida si Jameson sa mga fans. Hindi naman kailangang madikit siya kay Barbie upang sumikat. Maaari naman siyang makilala bilang solo actor basta magaling siyang umarte at marunong makisama. At least, hindi siya maaakusahan na ginagamit lang ang aktres para sa kanyang career.


Dapat na magkaroon sila ni Barbie Forteza ng heart-to-heart talk at agreement. Maaari naman nilang itago sa publiko ang kanilang relasyon para sa ikatatahimik ng lahat at hindi maba-bash si Jameson Blake ng BarDa fans.



DAHIL sa sobrang busy ni Shuvee Estrada sa mga TV guestings at commercial shoots ng mga endorsements, hindi na niya maasikaso ang paglipat nila ni Ashley Ortega sa bago nilang titirahang condo. 


Magkasama pa rin sila ni Ashley sa bagong lilipatan dahil BFF niya ito.

Noong wala pa siyang matitirhan at hindi pa siya kumikita, si Ashley ang kumupkop sa kanya at inalok siyang tumira sa kanya. Kaya hindi basta-basta matatalikuran ni Shuvee ang kaibigan, malaki ang utang na loob niya sa Kapuso actress.


May mga nagsasabing puwedeng pagsamahin sa isang commercial sina Shuvee at Ashley, o kahit sa seryeng gagawin ni Shuvee sa GMA-7. 


May mga nagsa-suggest din na gawing bida sa isang comedy film ang dalawa dahil parehong jologs sina Shuvee Etrata at Ashley Ortega.



LABIS na nagpapasalamat si Jake Vargas kay Michael V. at sa sitcom na Pepito Manaloto (PM) dahil naging bahagi siya ng show sa loob ng 15 years. 


Sa tagal ng kanilang pinagsamahan, itinuring na niyang tunay na magulang sina Michael V. at Manilyn Reynes. Maging si Clarissa (Angel Satsumi) ay para na niyang tunay na kapatid.


Maraming natutunan si Jake kay Michael V. sa panahon na magkasama sila sa PM.


Una na rito ang pagiging professional sa trabaho, ang mabuting pakikisama sa mga co-stars, at ang pananatiling humble at may respeto sa mga veteran stars.


Dahil sa comedy serye, patuloy na napapanood si Jake Vargas sa GMA Network. 


Marami ang nagtatanong kung bakit hindi siya isinasama sa mga serye ng GMA-7, o kahit mag-guest man lang sa ibang shows ng Kapuso Network. Magaling naman siyang umarte at kaya ang kahit anong role na ibigay sa kanya. Nakagawa na rin si Jake ng ilang pelikula.


Sana naman ay mapansin na ang talento at kakayahan ni Jake Vargas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page