Laglag na kay Kathryn… KARLA, NAG-IINGAY PARA SA CAREER NI DANIEL
Updated: Apr 10, 2024
ni Ambet Nabus @Let's See | Abril 5, 2024

Tila may reaksiyon naman si Karla Estrada sa nasabing kaganapan dahil nagpaka-mysterious ang post nitong "soon" para sa sinasabing project naman o something na gagawin ng anak nitong si Daniel Padilla.
May mga natuwa rin naman, pero tila mas marami ang nag-bash dahil si Karla na raw yata ang lumalabas na PRO (Public Relations Officer) ng anak.
To be fair naman kay Daniel, nagkakaroon naman ito ng sariling 'balita' pero dahil nga sa mas naging identified ang mga ganap nito kasama dati si Kathryn, malamlam kumbaga ang reception.
Well, kung anuman ang pasabog na ‘yan ni Karla ay dapat lang na mas malaki at kapana-panabik kumbaga.
Dahil kung paeklay na emote na paingay o paandar lang ‘yan, naku, baka sila ang mag-suffer ng consequence sa bandang huli.
Knowing the fans and showbiz folks, laging naghahanap ng ingay at pasabog ang mga ‘yan, hahahaha!





Comments