Lagertha at Jewel Of The Nile sasalang sa 3-Yr Old
- BULGAR
- Jul 2, 2023
- 2 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | July 2, 2023
Magpapasiklab ngayong araw ng Linggo ang mga dehadong sina Lagertha at Jewel Of The Nile pagsalang nila sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.
Inaasahang makakakuha ng suporta sina Lagertha at Jewel Of The Nile sa mga dehadista dahil sa kanilang husay sa karerahan. Pero tiyak na mapapalaban sina Lagertha at Jewel Of The Nile laban sa pito pang tigasing kabayong kasali sa distansiyang 1,400 meter race.
Nakalaan ang added prize na P20,000 para sa mananalong kabayo ang ibang kalahok ay sina Oras na, Oradas Gray, Maayo Kaayo, Golden Jaraywa, Impressive Victory, Freydis Cutie at Humble Strike. Si Oradas Gray ang puwedeng magdomina ng takilya sapagkat markado siya ng mga liyamadista.
Rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patricio Ramos Dilema si Jewel Of The Nile habang si Rico Suson ang sasakay kay Lagertha.
Ang nasabing event ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon at may walong karera ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI).
Samantala, isa pang aabangan ng mga karerista ay ang bakbakan ng 14 na mahuhusay na kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pakakawalan sa pangalawang karera.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Lagertha (9), Oradas Gray (2), Jewel Of The Nile (4)
Race 2 - Don Lucas (1), Reliable Den (14), Krugerrand (8)
Race 3 - Jambo (2), Diez Catorse (1), Red Hawk (6)
Race 4 - Dambana (13), Flattering You (7), American Dream (7)
Race 5 - Sky Plus (1), Just For Fierce (7), Tontoneeto (6)
Race 6 - Iikot Lang/Etnad (1/1A), Super Cong (3), Chloespirit (11)
Race 7 - Namaskar (8), Eyevan (10), Avalone Bandit (5)
Race 8 - Hakeem (14), Phenom (1), Rockaway (3), Sultanov (11)





Comments